NAGPAHAYAG ng suporta ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi sa mga ipinaglalaban ng mga drayber sa nakaambang jeppney phaseout sa bansa.
Isang video ang ibinahagi ng Panday SIning PUP sa kanilang Facebook page nitong February 13 kung saan makikita ang dalaga na nakasakay sa harap ng jeep katabi ang driver.
May pasaherong nagtanong kay Ivana kung ano ang kanyang masasabi ukol sa nalalapit na pagpe-phaseout ng tradisyunal na jeepney.
“Ano pong masasabi n’yo sa jeepney phaseout? Support po ba kayo?” tanong ng kapwa pasahero sa aktres.
“Ako, support ako sa mga drivers, kaya nga tayo nandito [at nakasakay sa jeep] e,” sagot ni Ivana.
Aliw naman ang mga kapwa pasahero sa likod ng jeep sa naging tugon ng sexy actress.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi dinenay na may something kay Mayor Albee: Hindi po ako
“Tama! Mother!” sabi ng mga pasahero kay Ivana.
Hati naman ang naging komento ng netizens hinggil sa usaping jeepney phaseout.
“Wow hanga Ako Kay Ivana Marunong makisabay at kumampi sa mahihirap sa mga jeepney . Tama jeepney masarap sakyan Ng publiko,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Yes to jeepney phase out. Iparanas naman natin sa mga mahihirap na kababayan ang malamig, maluwag at comfortableng transportation sa abot kayang halaga. Hinde porke mahihirap ay magtitiis nlng sa bulok na jeepney habangbuhay.”
“salamat po mam ivana Alawi, sa support sa traditional jeep mabuhay po kayo mam,” sey ng isa.
“Traditional Jeep is the best..hindi nyo maalis sa Pilipinas..one of the the attraction sa foreigner ang jeep dito lng sa pinas yan..tumatangkilik sa negosyo gawang china na modern bus..walang pinag kaiba sa malansang isda,” giit naman ng isa.
Taong 2017 pa nang simulan ng Department of Transportation (DOTr) ang public utility vehicle modernization program.
Hindi naman sang-ayon ang mga jeepney drivers at operators sa ipinapatupad na programa dahil masakit sa bulsa ang modern jeepneys na ilang milyon ang halaga.
Samantala, extended naman hanggang katapusan ng Abrol ang jeepney consolidation.