Kris pumalag sa nagsabing masama ang ugali niya kaya ‘nakarma’

Kris pumalag sa nagsabing masama ang ugali niya kaya 'nakarma'

HINDI napigilan ng Queen of All Media na si Kris Aquino na sagutin ang isang netizen na nagsasabing karma raw ang dahilan kaya ito may malubhang sakit.

Sa kanyang Instagram post kung saan nagbigay pugay siya sa yumaong Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal ay may isang netizen ang nag-comment ukol sa kanyang iniindang sakit.

Komento ng netizen, “Masama kasi ugali ni Kris kaya rin siguro nakakarma char.”

Hindi naman pinalagpas ng Queen of All Media ang mean comments ng naturang netizen.

Sagot ni Kris, “Obviously not as awful as yours because i’ve made a conscious effort to not judge people i’ve never met nor had a personal encounter with.”

Pagpapatuloy niya, “Illness isn’t karma- it’s God’s way of using my trials to show that FAITH does heal in His time. Wishing you [peace].”

Baka Bet Mo: Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda

Tila binura na ng netizen ang kanyang negatibong komento matapos siyang sagutin ni Kris.

Kahapon lang ay ipinagdiwang ng Queen of All Media ang kanyang 53rd birthday kung saan matapang niyang ibinahagi sa publiko ang lumalalang karamdaman.

Ani Kris, sa Lunes ay papasok na siya sa ospital para subukan ang biological na gamot upang isalba ang kanyang puso.

Pagbabahagi niya, “So, may gamot na susubukan, but there’s a very big risk involve with that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito na hindi ka binibigyan muna ng steroids.”

Humingi nga rin si Kris ng karagdagang dasal para sa bagong susubukang gamot.

“Ngayon ako hihingi talaga. I’m sorry, pero parang ang kapal ng mukha ko na ang tagal niyo na akong pinagdarasal. But I really need it now,” pakiusap ng Queen of All Media.

Read more...