Kris mas lumala pa ang sakit pero tuloy ang laban: ‘I refuse to die!’

Kris mas lumala pa ang sakit pero tuloy ang laban: 'I refuse to die!'

Kris Aquino

ANUMANG oras ay pwedeng ma-cardiac arrest ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa lumala niyang mga karamdaman.

Yan ang ibinahagi ng premyadong TV host-actress sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong hapon.

Kinumpirma niya na meron na siyang limang autoimmune disease na mas lalong nagpapabagsak ngayon sa kanyang katawan. Ang ikalima raw ang pinakakontrabida sa lahat.

Ayon kay Kris, matapos magkaroon ng comorbidity at magpositibo sa COVID-19 ilang buwan na ngayon ang nakararaan, may tama na rin daw ang kanyang lungs.

Baka Bet Mo: Kris tuloy pa rin ang pagpapagamot: Mahaba pa ang laban, my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School…

Aniya, totoong alarming na ang nangyayari sa kanya lalo pa’t sobrang bumagsak na rin ang kanyang hemoglobin na “very important” daw dahil ito ang nagdadala ng oxygen sa katawan ng tao.

May problema rin daw ang puso ni Kris dahil may mga pagkakataon na grabe ang taas ng kanyang heart rate. Pupunta lang daw siya sa banyo ay inaabot na ng 120 to 146 ang kanyang heart rate.


Sey ni Kris posible nga raw siyang ma–stroke anytime kaya naman triple na ang ginagawa niyang pag-iingat.

Muli, humiling ang aktres sa kanyang mga tagasuporta ng taimtim na dasal para sa kanyang kalusugan. Kakapalan daw niya uli ang kanyang mukha sa paghingi ng panalangin mula sa publiko.

Baka Bet Mo: Madlang pipol kanya-kanyang hugot sa pagkakulong ni Vhong Navarro; ‘It’s Showtime’ hosts nag-group hug

Samantala, sa darating na Monday, may susubukang bagong biological na gamot kay Kris para makatulong sa pagkontrol sa kanyang mga autoimmune disease at para sa kondisyon ng kanyang puso.

Big risk daw ito para kay Kris dahil kapag hindi raw ito naging effective sa kanya, pwede siyang ma cardiac arrest.

“Baby dose” pa lang ang ibibigay sa kanya ng mga doktor at titingnan kung kakayanin niya. Apat na doses daw ang kakailanganin niya para sa nasabing treatment.

“On Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot this is my chance to save my heart.

“Because kung hindi ito tumalab, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in puwedeng tumigil na lang yung pagtibok ng aking puso.

“So, may gamot na susubukan, but theres’ have a very big risk involve in that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito na hindi ka binibigyan muna ng steroids.

“On Monday, titingnan muna nila kung kakayanin ko. Kung kakayanin ko, bibigyan ako ng pangalawang dose. I will need four doses of this medication,” paliwanag ni Kris.

Pahayag pa ni Kris, itinuturing niyang biggest blessing ang birthday niya ngayong araw, Valentine’s Day, dahil naniniwala siyang “pahiram na lang ito ng Diyos sa akin.”

“I hate to say it, but you know, I’m very, very honest kasi hinarap ko na to and ang bawat araw, pahiram na lang ito ng Diyos. So, whatever days are left, kung anuman ang natitira, it’s a blessing.

Hindi pa raw siya handang mamatay dahil kailangan pa siya ng mga anak na sina Joshua at Bimby, “I really want to stay alive. Sino ba naman ang sasabihin na handa akong mamatay?

“Bimb is only 16 and I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything. Lahat gagawin ko. Kasi, hindi naman sikreto sa mga tao na ang kuya niya falls under the autism spectrum. Kailangan pa nila ako.

“But after Monday, wala na akong immunity, puwede na akong dapuan ng kahit anong sakit at wala na akong panlaban du’n,” aniya pa.

Sa tanong kung ano ang mga ipinagdarasal niya ngayon, “I just wanna thank God. Because people I do not know, people na have never met me, hindi ko mga kilala, pinagdarasal nila na kailangan kong gumaling.

“But I cannot promise you that, kasi ang dami nang hindi ko kayang gawin. Pero pangako ko po sa inyo, hindi ko kayo bibiguin kasi sumuko ako.

“Wala sa pananaw ko sa buhay na sumuko, hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo. I refuse to die,” aniya pa.

Read more...