BALAK muna ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla na mag-focus muna sa sarili at ang kanyang pagnanais na muling mag-travel.
Sa exclusive interview niya kay MJ Felipe sa “On Cue”, naging bukas ang binata sa kanyang mga plano sa buhay ngayong taon.
Pagbabahagi ni Daniel, ang mga naka-line up niyang pelikula kasama sina Zanjoe Marudo at John Arcilla.
Bukod pa rito ay mukhang magkakaroon rin siya ng sariling concert.
“I’ll make music first. Gawa muna ako ng music. ‘Yung concert naman madali lang ‘yun. Ang hirap magplano ng concert na wala tayong music lalo na at hindi naman ako veteran singer,” pagbabahagi ni Daniel.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Elly Buendia may bonggang collab: Pero secret muna!
Nabanggit rin ni Daniel na bet niyang maka-work sina Diamond Star Maricel Soriano at Ely Buendia.
Pagdating naman sa mga personal goals niya ay inamin niyang excited siya.
“Ang dami kong gusto. My business. I’m so excited,” saad ni Daniel.
Bukod pa rito ay ibinahagi rin ng Kapamilya actor na bet niyang mag-travel.
Ang dami kong gagawin sa labas ng industriya. I’m very excited… Parang nagkaroon ako ng love sa travelling ngayon,” sey ni Daniel.
Nang matanong ni MJ kung anong countries ang nais niyang puntahan, Vietnam ang isa sa mga pumasok sa isip niya.
“Parang gusto kong bumalik ng Vietnam… kasi nung last akong nandoon, I enjoyed it very much. Nandoon ‘yung bestfriend ko, si Seth,” chika pa ni Daniel.
Matatandaang kamakailan ay na-link ang aktor sa isang Vietnamese girl na diumano’y isa raw sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.
Pero ayon sa Vietnamese girl na nakilalang si Minh Phuo, wala silang relasyon ni Daniel.
Totoo raw na nagkita sila sa isang bar na pag-aari ng kanyang kapatid pero hanggang doon lang daw ito.
“Since last year, I have received a lot of messages from fans and supporters of Daniel Padilla, a famous actor in the Philippines.
“It is known that Daniel visited Vietnam last year with his friends. Prior to his visit in my country, I have never met him,” simulang kuwento ng dalaga.
Patuloy pa niyang paliwanag, “My brother owns the bar that Daniel went to. My brother told me that Daniel is there and I can say hi to him because I know he is a famous actor.
“I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words, and then I went back home with my sister. That is the end of my interaction with him,” pagkaklaro pa niya.