Ogie Diaz sa mga nagtatanong: Wala po akong galit kay Bea

Ogie Diaz sa mga nagtatanong: Wala po akong galit kay Bea

NILINAW ng talent manager at artistang si Ogie Diaz na wala siyang nadaramang galit sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Ito ay kanyang nilinaw sa kanyang tweet nitong Martes, February 13.

“Wala po akong galit kay Bea, feeling lang yon ng iba. Sorry po sa mga na-offend sa mga ibinabalita namin,” saad ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “You can unfollow naman anytime, wag nang magpaalam. Socmed mo, hawak mo, desisyon mo.”

Ang pahayag na ito ay lumabas matapos ang mga naging sunud-sunod na pagbabalita ni Ogie hingggil sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.

Marami siguro ang curious at nagtatanong sa talent manager kung may galit ito sa aktres lalo na’t sa vlog rin nila lumabas ang chikang iniaalok muna ang projects kay Marian Rivera at kung hindi ito tinanggap ng Kapuso Primetime Queen ay saka lang iaalok kay Bea.

Baka Bet Mo: Dominic nagkukulong sa condo; ipinagtanggol ni Ogie Diaz sa isyu ng pera

May mga nagsasabi rin na baka sumama ang loob ni Ogie matapos magpahaging ni Bea ukol sa mga taong nagkumpirma ng kanilang break up nang walang pahintulot mula sa kanila.

Pero malinaw naman na sinabi ng talent manager sa kanyang vlogs na ito’y wala pang kumpirmasyon at hiling niya na linawin ito ng mga involved sa isyu.

Sa hiwalay na tweet ay iginiit ni Ogie na base lang rin sa mga trusted sources ang kanilang ibinabalita.

“Basta kami, me nakakausap na source. At sinasabi ko naman na ayon sa source and hindi ko kinukumpirma,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Baket, meron nga, totoo na, dinedenay pa eh. But eyes can’t lie. So ano? Ipipilit ko ba yung alam ko? Hindi na. Basta they know the truth.”

Read more...