SA muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA 7, inamin ng premyadong TV host na si Boy Abunda na gusto niya uling mag-guest sa “Bubble Gang.”
Yan ang inamin ni Tito Boy matapos ang kanyang contract signing sa Kapuso Neywork nitong nagdaang Lunes, February 12.
Present sa naturang event sina GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon, President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, at GMA Films President Atty. Annette Gozon-Valdes.
Nandu’n din sina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz, at Vice President for Business Development Department III Gigi Santiago-Lara.
Baka Bet Mo: Hirit ng mga kapwa kandidata ni Tracy Perez sa Miss World: Iba raw ako sa naiisip nilang Miss Philippines
“Ito’y nangangahulugan na patuloy ang tiwala at suporta. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay sa akin na bumalik sa GMA.
“It takes a village to be able to do a 20-minute talk show. I do this with a community of committed people, and I will continue to do the show in gratitude and in love,” mensahe ng veteran TV host.
“Nagpapasalamat ako kay Atty. Annette at sa Sparkle dahil mas buo na ang tiwala ng mga artista ngayon. A lot of them are discovering na masayang maging parte ng talk show and that we are allies. We are able to help build stars,” aniya pa.
Mensahe naman ni Atty. Gozon kay Tito Boy, “Walang duda na siya ngayon ang pinakamagaling na talk show host. Kaya kami ay nagpapasalamat at nagagalak na nag-renew tayo ng contract.”
Baka Bet Mo: Ryan Bang tuwang-tuwa nang makasama sina Bitoy at Paolo sa ‘Bubble Gang’: ‘Kaya abangan n’yo!’
December 15, 2022 nang bumalik sa GMA si Tito Boy makalipas ang mahigit dalawang dekada. Nagsimula naman ang kanyang “Fast Talk with Boy Abunda” noong January, 2023.
Natanong si Tito Boy sa panayam ng GMA Network kung anu-ano pa ang aabangan ng manonood bilang Kapuso, “Gusto ko pang gumawa ulit ng Bubble Gang (ni Michael V). Totoo ‘yun.
“Enjoy ako du’n and of course if Dingdong (Dantes) calls me to do Family Feud again, I’ll do it. Nag-TiktoClock na ako. Yung Unang Hirit lamang gusto ko sanang pumunta kaya lang masyadong napaka-aga.
“But kahit naman saan, kung saan mo ako itulak, pupunta ako doon, hangga’t kaya,” ani Tito Boy.