MAGKASAMA ngayong Valentine’s Day, February 14, ang phenomenal Kapamilya loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Yes, yes, yes mga ka-Marites all over the universe! Ipagdiriwang ng DonBelle together ang Araw ng mga Puso kasama ang iba pang cast members ng teleserye nilang “Can’t Buy Me Love.”
Sa isang panayam ay natanong si Donny kung sino ang makakasama niya sa mismong Valentine’s Day. Ang tugon ng binata, “‘Yung mga nasa set, magte-taping kami (ng Can’t Buy Me Love). Siyempre kasama na doon lahat ng cast.
Baka Bet Mo: Kiko Estrada umamin: ‘Naranasan ko na ring mabaliw sa pag-ibig, I’m a hopeless romantic kasi’
“Siyempre kasama rin doon si Belle. I think we’ll be out of town for a couple of scenes. Pero okay lang, sanay naman kami mag-shoot. Last year we didn’t have work last year. But this year kasi medyo busy kami,” ang pagbabahagi ni Donny sa naturang interview.
Sa tanong kung paano niya ire-rate ang kanyang pagiging romantiko, “I don’t know if I’m romantic. Ang weird naman kung ako magsasabi kung gaano ako ka-romantic.
“Siguro ma-effort ako, effort in the smallest things. I think usually kasi ‘yon ‘yung pinakaimportante, ‘yung mga maliliit na bagay.
“Maybe simple things like writing letters or sending small notes or small things that remind you of that person,” ang sey ni Donny.
Baka Bet Mo: Belle Mariano ‘huli’ ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year
Nitong nagdaang February 10, nag-celebrate si Donny ng kanyang 26th birthday at isa sa mga pinasalamatan niya ay ang kanyang mga supporters.
“A lot of times like I’ve had 10 cakes sent to me by my supporters whenever they visit my events and stuff.
“Para sa akin romantic na ‘yon kasi iniisip nila to go out of their way to really greet me and ako I always tell them, ‘Guys, please don’t give me gifts anymore. Kasi makita ko lang kayo, okay na ‘yon.’
“But they really do the effort of writing me notes, giving me like small handmade stuff that remind them of me. So naa-appreciate ko talaga ‘yung mga ganu’n,” lahad pa ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Samantala, patuloy pa rin ang paghataw ng “Can’t Buy Me Love” sa iba’t ibang playforms ng ABS-CBN kasabay ng mga nakalalokang plot twists at revelations sa kuwento.
Nakakuha na ito ng more than 500 million social views sa Facebook, TikTok, Instagram, at Twitter ngayong February.