NGAYONG Valentine’s Day, February 14, ipinagdiriwang ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Sen. Juan Ponce Enrile ang kanyang ika-100 kaarawan.
Kaya naman isa siya sa mga Pinoy na magse-celebrate ng kanilang 100 years ngayong taon na makakatanggap ng P100,000 centenarian cash gift, base na rin sa nakasaad sa Centenarians Act of 2016.
Ayon sa Centenarians Law of 2016, ang lahat ng Pilipino na isinilang sa Pilipinas (dito man naninirahan ngayon o sa nasa ibang bansa na) ay bibigyan ng P100,000 mula sa gobyerno kasama ang letter of felicitation mula sa Pangulo.
Kung ang benepisyaryo naman ay naninirahan na sa ibang bansa, ipadadala sa kanya ang cash gift sa mga Philippine embassy o konsulado ng bansang kinaroroonan niya.
Baka Bet Mo: Juan Ponce Enrile tinamaan ng COVID-19: I’m not gonna die yet
Samantala, sa ilalim naman ng 2024 General Appropriations Act, naglaan ang Kongreso ng P186 million para sa cash gift sa mga magdiriwang ng kanilang ika-100 kaarawan ngayong taon.
Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo ng House committee on appropriations, “We, in Congress, are fully determined to keep up the annual funding for the gift, in recognition of Filipinos who have achieved healthy ageing and longevity.”
Samantala, marami naman ang nagtatanong kung ano ba talaga ang sikreto sa mahabang buhay ni Enrile at sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaanan niya ay nananatili pa ring malusog at alerto.
Knows n’yo ba na ilan sa mga paborito niyang kainin mula noon hanggang ngayon ay dinengdeng, saluyot, patola at bataw.
Sa isang interview, nabanggit niya na araw-araw siyang nag-e-exercise at talagang naglalakad siya sa ilalim ng araw.
Kung matatandaan, taong 2012 nang aminin ng dating senador na sumailalim siya sa stem cell therapy. “I guess it gave me some energy. Actually, the treatment that I got was not in Germany but here,” ang pahayag ni Enrile noon sa “Headstart” ng ANC.
“They came here. It gave me a little bit more energy but as far as restoring the quality of my organs like my eyesight, hearing, heart, lungs, kidney and so forth, I could not say because I still have a problem with my vision,” pag-amin ni Enrile.
Dalawang beses din siyang tinamaan noon ng COVID-19 at tatlong beses nagka-pneumonia, pero hindi siya napatumba ng mga naturang sakit.
Samantala, ibinahagi naman ng apo ni Enrile na si Tiana Kocher na sa dami ng mga memes sa social media about her lolo ay may isa raw havey na havey para sa pinakamatandang public servant sa bansa.
Ang tinutukoy ng singer ay ang meme kung saan inedit ang litrato ng kanyang lolo at itinabi sa isang dinosaur. Gustong palabasin ng gumawa nito na ilang daang taon na ngayong nabubuhay si Enrile.
“The dinosaur one, he’s seen it and he’s just like, ‘Ha-hahaha!’ He likes that one. He laughs at it,” kuwento ni Tiana.
Isinilang si Enrile sa Gonzaga, Cagayan noong February 14, 1924.