Carla hindi naki-Marites sa Bea-Dominic breakup: That’s her personal life

Carla hindi naki-Marites sa Bea-Dominic breakup: That's her personal life

Carla Abellana, Dominic Roque at Bea Alonzo

KUNG may isang female celebrity na pwedeng magbigay ng advice kay Bea Alonzo, yan ay walang iba kundi si Carla Abellana.

Magkasama ngayon ang dalawang aktres sa upcoming GMA series na “Widow’s War” kaya marami ang curious kung napag-uusapan kaya nila ang tungkol sa pagiging sawi sa pag-ibig.

Alam naman ng lahat na matindi rin ang pinagdaanan ni Carla nang maghiwalay sila ng kanyang estranged husband na si Tom Rodriguez ilang buwan pa lamang matapos silang magpakasal.


At ngayon nga ay si Bea naman ang dumaranas ng sobrang sakit at kalungkutan dahil sa breakup nila ni Dominic Roque.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla hanga sa sinabi ni Ivana; pinatatamaan kaya sina Julia?

Kagabi, sabay nga nilang in-announce na hindi na matutuloy ang kanilang kasal, “After much thought, consideration and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.

“It was not an easy decision, we wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent and some created ridiculous stories that have no basis and were utterly false so we felt the need to share this announcement with great sadness for our peace of mindand our families,” ang pahayag nina Bea at Dom.

Sa ulat ng “24 Oras”, natanong si Carla kung nagkausap sila ni Bea tungkol sa kani-kanilang personal life at kung inusisa niya ang ex-fiancée ni Dominic about the engagement.

Aniya, “Hindi ako yung someone na parang itatanong yun or kukulitin siya, magpi-phishing ako, hindi naman.

Baka Bet Mo: Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

“It’s a very sensitive private matter so that’s her personal life. Of course I pray for her, I only wish she’s okay,” sabi ni Carla.


Samantala, sa question naman kung handa na ba siyang magkadyowa uli o makipag-blind date lalo pa’t matagal-tagal na rin naman siyang walang karelasyon.

“Ayoko ng blind date hindi ako comfortable sa blind date. But dating my goodness, I won’t say din na I’m open to it pero ayoko pa siya masyadong isipin not that I’m blocking myself,” sagot ng Kapuso star.

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon? “Meron naman noon pero ngayon parang ‘di na I don’t know where they are.”

Read more...