NEVER pinagsisihan ng singer-actor na si Mark Bautista ang paglalantad sa kanyang pamilya at sa publiko ng tunay niyang pagkatao.
Naniniwala ang Kapuso star na tama lang ang ginawa niyang pagpapakatotoo at pagbabandera sa buong universe na miyembro rin siya ng LGBTQIA+ community o isang bisexual.
Taong 2018, sa pamamagitan ng isinulat niyang libro na “Beyond The Mark”, ibinahagi ni Mark ang ilang detalye at kaganapan sa pagiging bisexual at ang paliwanag sa kanyang gender identity.
Sa panayam ni Karen Davila kay Mark na napapanood sa YouTube channel ng veteran broadcast journalist, sinabi nga ng singer na wala siyang regrets sa pagka-come out.
Baka Bet Mo: Pops sa mga nakarelasyong bagets: I don’t offer money, I’m kuripot!
Pero inamin din niya na talagang natakot siya sa magiging epekto ng kanyang paglalantad sa publiko sa kanyang showbiz career.
“Nu’ng first lumabas sa news sabi ko, ‘Oh my God! Ang dami palang ganito ang reaksyon.’ Sabi ko, ‘dapat ba hindi ko na itinuloy?’
“Pero ngayon masasabi ko na it’s the best decision na nagawa ko, sobrang iba ang pakiramdam, no regrets no regrets,” pahayag ng singer.
Abot-langit din ang pasasalamat ni Mark sa pagsuporta at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng mga kapamilya at mga tunay na kaibigan.
“Nagulat sila kasi doon lang nila nalaman nu’ng pagkadating ko and nu’ng sinabi ko na magri-release nga ako ng ganu’n (book).
“Si Mama naman, I think mothers instinct, sinabi niya nilapitqn niya ako sa bed, tumabi siya sakin sabi niya ‘it’s okay, whatever happens, I still love you, anak pa din kita,'” lahad ni Mark.
Never din daw siyang hinusgahan ng kanyang tatay, “That time si Papa naman walang problema talaga, doon naman ako masuwerte, sa family sa parents ko.
“Never sila nagtanong, never sila nag question, never silang nag judge madali sa kanila na tanggapin,” pagpapasalamat ni Mark.
Patuloy pa niya, “I’m still thankful na nalagpasan ko ‘yung phase ng buhay ko na ‘yun na masasabi ko talaga na even with my friends, sobrang we can just talk about anything under the sun na magdyo-joke-joke na kami ng wala nang pretentions,” masayang chika pa ni Mark Bautista.