Heart hirap makahanap ng tunay na kaibigan sa showbiz: I’m really tired

Heart hirap makahanap ng tunay na kaibigan sa showbiz: I'm really tired

Heart Evangelista

HIRAP na hirap ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na makakita ng mga tunay at totoong kaibigan sa mundo ng showbiz.

Aminado ang misis ni Sen. Chiz Escudero na pagod na pagod na siya sa mga taong itinuring niyang friends pero it turned out pinaplastik lang naman pala siya ng mga ito.

Sey ni Heart, napakahirap daw talagang makatagpo ng mga “real friends” at mga taong tunay na mapagkakatiwalaan sa entertainment at fashion industry

“I’m really tired…I’m tired but happy. It’s fulfilling, kasi, but when you have moments that you know you just want real friends, it’s hard,” ang pagpapakatotoo ng Kapuso star sa isang event.

Baka Bet Mo: Gerald pinaghahandaan na ang pag-aalaga sa mga anak: Gusto ko ring makakita ng malilit na ako

Aniya pa, “Kasi, you feel misunderstood, but at the end of the day, you go back to your family, and that should be enough.

“If people love you, they love, but if they don’t, then they don’t,” pahayag pa ng aktres at global fashion icon.

Nauna rito, inamin din ni Heart na handa na siyang mabuntid at maging ina. Nakasama ng aktres sa naturang event ang award-winning TV host na si Boy Abunda at sumalang nga siya sa special fast talk segment.

Natanong ni Tito Boy kung sino ang bibigyan niya ng bonggang-bonggang party if ever, sagot ni Heart, “If I had a baby.”


Dito na nga nagsimulang lumuha ang wifey ni Sen. Chiz Escudero at sinabing feeling niya, this is the perfect time na magkaroon na sila ng sariling baby ni Chiz.

Baka Bet Mo: Julia umaming mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz, nagpasalamat kina Dimples at Kathryn

“It’s so hard when you question yourself of all these things but when I look back at my life, you know, with the people, and the experiences I had, all the hardships of being alone, it makes sense now,” ani Heart.

“And I feel like if there’s any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I’m ready as a person.

“And I will be able to give more because I’ll be able to tell her more and share more wisdom,” paliwanag ng Kapuso star.

Nitong nagdaang linggo, kinumpirma ni Heart na magre-renew sila ng wedding vows ng kanyang asawang si Sen. Chiz next week sa Balesin Island kung saan din sila ikinasal noong 2015.

Read more...