MAGHANDA para sa isang pasabog at pampa-good vibes na concert ng “The Voice USA” season 19 Fan Favorite na si Ryan Gallagher.
May titulong “The Voice of Ryan”, ang kauna-unahang major concert ng American singer-songwriter ay gaganapin sa Music Museum sa darating na February 17.
Nagmarka at nakilala si Ryan sa kanyang nakaaakit na classical voice, at sa kakila-kilabot na pag-awit ng “The0 Prayer” nina Andrea Bocelli at Celine Dion sa kanyang audtion sa “The Voice USA.”
Dahil dito, agad siyang pinili ng international singer na si Kelly Clarkson na isa sa mga coach ng nasabing reality show. Ngayon, nandito si Ryan Gallagher sa Pilipinas para sa kanyang first major concert.
Makakasama ni Ryan sa show ang ilan sa mga OPM icons sa bansa kabilang na ang Concert King na si Martin Nievera, Filipina Soprano na si Lara Maigue, at ang Asia’s Acoustic Icon na si Ice Seguerra.
Baka Bet Mo: The Voice US alumna Ryan Gallagher pusong Pinoy, type maka-collab si Sarah
“February is here, and I am overcome with excitement, or are those nerves. Ha-hahaha!
“Just the fact that I get to share the stage with Martin, Ice, and Lara is a privilege and something I will remember forever. The amount of talent is incredible!” ang sabi ni Ryan sa presscon ng “The Voice of Ryan.”
Ibabandera ni Ryan sa concert ang pambihirang range ng kanyang boses bilang isang musical artist. Bukod kasi sa kanyang galing sa classical music, kering-keri rin nuyang kumanta ng iba pang genre.
Si Ivan Lee Espinosa, isang award-winning musician at arranger, ang magiging musical director ni Ryan para sa concert habang si Liza Diño naman, na kilala bilang aktres at producer ang creative director.
Magsisilbi namang stage director si Ice Seguerra ng “The Voice of Ryan”.
Nagkakilala na sina Ice at Ryan sa US at ilang beses na ring nag-duet sa ilang shows. Alam naman natin ang galing ni Ice pagdating sa pagpe-perform at sa pagdidirek ng concert kaya kaabang-abang kung paano niya ile-level up ang concert na ito.
“Prepare to witness a new side of Ryan in this concert, as I am thrilled to share his remarkable versatility. While many know him as an exceptional classical singer, I was pleasantly surprised sa range nya as a singer.
“As the stage director collaborating with my wife Liza as the creative director, my intention was to showcase these diverse qualities in Ryan, which led us to aptly title the show ‘The Voice of Ryan.’
Baka Bet Mo: Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig
“The audience will have the opportunity to experience the various dimensions of his talent, spanning rock, indie, and contemporary genres. Brace yourself for an unforgettable surprise!” pahayag ni Ice.
Pahayag naman ni Liza, “I am all about storytelling. I had the incredible opportunity to be entrusted by Ice to envision and direct the creative direction for Becoming Ice, an astounding concert celebrating Ice’s 35th anniversary.
“It was a massive success. Regarding ‘Voice of Ryan’, my inspiration stems from his remarkable journey, from where he started to where he stands today.
“While Ryan has always been renowned as a classical singer, we aim to showcase the various facets of his artistry by delving into his influences and tracing his evolution as a musician. Brace yourself for an unforgettable, immersive experience,” sey pa ng aktres at producer.
Inihahandog ng Katinko at suportado ng Baron Method at Phillip’s Fine Jewelry, ang “The Voice of Ryan” ay mula sa produksyon ng Fire and Ice Live.
Mabibili ang tickets para sa “The Voice of Ryan” sa Ticketworld. Para sa karagdagang impormasyon at updates, bisitahin ang Fire and Ice PH sa Facebook.
Samantala, super nag-enjoy daw si Ryan sa guesting niya sa longest-running noontime show sa Asia na “Eat Bulaga” last week kung saan na-meet niya nang personal ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at iba pang Dabarkads.
Kaya game na game raw siya sakaling alukin ng TVJ Productions na maging co-host ng “Eat Bulaga” lalo pa’t nalaman niyang matagal na ring part ng programa si Ice.
Si Ryan din ang unang artist ng Fire And Ice at kamakailan lang ay pumirma na nga siya ng kontrata sa talent management ng celebrity couple.