Ogie Diaz no. 1 fan si Gerald, laging nanonood ng Showbiz Update

Ogie Diaz no. 1 fan si Gerald, laging nanonood ng Showbiz Update
ALIW na aliw ang talent manager na si Ogie Diaz sa natuklasan niya sa celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Sa kanyang latest episode ng “Showbiz Update” ay pinuri niya ang dalawa dahil sa kabila ng mga ibinabalita nila ukol sa celebrity couple ay hindi ito nagtatanim ng sama ng loob.

Nagkasama kasi sina Ogie, Julia, at Gerald nang bumisita sila sa burol ng yumaong si Deo Endrinal.

Kuwento ng talent manager, aliw na aliw siya sa dalawa habang nagkukulitan sila.

“Nakakatuwa si Julia. Lagi siyang ‘O ano na namang ibabalita niyo sa amin? Kami pa rin’. Kasi lagi silang nanonood ng Ogie Diaz Showbiz Update,” pagbabahagi ng talent manager.

Baka Bet Mo: SHOWBIZ WRAPPED: Ogie Diaz ‘patron’ ng mga marites

Chika pa ni Ogie, “‘Yan ang nakakatuwa sa dalawang ‘yan. Maganda man o hindi maganda ‘yung ibinabalita namin tungkol sa kanila, e hindi sila nagtatanim ng sama ng loob. Bagkus, nakikipag-asaran pa sa amin. Hindi namemersonal.

“Basta ako ay natutuwa kay Julia at Gerald. Kasi sa dami ng ibinabalita natin dito, hindi nila nagagawang magalit sa atin. Samantalang ‘yung iba…”

Nakangiting sabi ni Gerald, si Ogie daw ang number 1 source ng chika at number 1 fan rin siya ng talent manager.

Samantala, biniro naman niya ang Kapamilya actor ng kanyang opinyon ngunit hindi na natuloy kung kaninong isyu ang balak niyang kunan ng reaksyon.

Read more...