ISA na namang miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink ang nagtayo ng sariling label company.
Sa isang Instagram post, ibinandera ni Lisa ang kanyang black and white picture na nakasuot ng tuxedo at kasabay niyan ay inanunsyo niya na may sarili na siyang artist management company.
Tinatag niya ang “LLOUD” bilang paraan upang lumikha ng “new boundaries” pagdating sa musika at entertainment.
Caption niya, “Introducing LLOUD, a platform to showcase my vision in music and entertainment.”
“Join me on this exciting journey to push through new boundaries together,” wika pa niya sa post.
Baka Bet Mo: Lisa ng Blackpink nawalan ng personal account sa Weibo, anyare?
Tiningnan namin ang official website ng kumpanya ni Lisa at inilarawan doon na ang target ng ahensya ay: “To create experiences that transcend genres and connect generations.”
Saad pa, “Our core lies in relentless innovation and a commitment to authenticity. We’re not just pushing boundaries; we’re redefining them, crafting chart-topping and genre-defying music.”
Makikita rin sa website na ipinakilala si Lisa bilang isang renowned Blackpink member na walang kapantay ang natanggap na achievements sa music at fashion industries.
“Lisa transcends the group with her global impact in music and fashion,” lahad sa statement ng kumpanya.
Sey pa, “Holding multiple Guinness World Records, Lisa’s achievements are unparalleled.”
Baka Bet Mo: Heart proud na proud sa Hollywood debut ni Liza: ‘This is power!’
Dagdag pa ng LLOUD, “She’s the first female solo artist in K-pop to win ‘Best K-pop Artist’ at the MTV Music Video Awards and Europe Music Awards and the first to exceed a billion Spotify streams.”
“Continuously pushing boundaries, Lisa’s journey is a testament to her influence in the ever-evolving world of global entertainment,” ani pa sa pahayag ng management.
Kung matatandaan, ang fellow member niya na si Jennie ang unang naglunsad ng sariling label company na “Odd Atelier” noong Disyembre ng nakaraang taon.
Kasabay ng buwan na ‘yan ay kinumpirma ng YG Entertainment na nag-renew sa kanila ng kontrata ang apat na miyembro ng Blackpink bilang grupo, pero magiging abala rin sila sa kanilang solo activities.
Si Lisa ang main dancer at lead rapper ng nasabing grupo na nag-debut noong August 2016.
Nagsimula ang solo project niya noong September 2021 kung saan inilabas ang debut album niya na “Lalisa.”