Albee Benitez nagsalita ukol sa pagkaka-link kay Ivana Alawi

Albee Benitez nagsalita ukol sa pagkaka-link kay Ivana Alawi

NAGSALITA na si Bacolod City Mayor Albee Benitez ukol sa kanyang pagkaka-link sa Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi.

Nitong Biyernes, February 8, isang official statement ang inilabas ng alkalde sa kanyang Facebook page.

“As for recent personal matters, I kindly request understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved,” saad ni Mayor Albee.

Aniya, bilang isa ring film at TV program producer, hindi maiiwasan na makita siyang may kasamang mga artista at kilalang personalidad.

“In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business,” pagpapatuloy ni Mayor Albee.

Sa ngayon ay ang kanyang focus ay gampanan ang kanyang responsibilidad bilang mayor ng Bacolod.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi natsitsismis kay Mayor Albee Benitez, may relasyon ba?


“At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City,” sey pa ni Mayor Albee.

Matatandaang naiulat ni Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog ang chikang namataan ang alkalde kasama si Ivana sa Japan.

May nagsasabi rin na nakitang magkasama sina Mayor Albee at Ivana sa Baguio.

“Mahirap namang husgahan natin si Ivana, so dapat si Ivana rin ang sumagot niyan, kung paano niya lilinawin ‘yan, ‘no. Kung siya nga ‘yung tinutukoy.

“Kung hindi naman siya, please disregard previous message,” pahayag pa ni Ogie.

Pero sey ng talent manager at vlogger, sana raw ay hindi totoo ang kumakalat na chika ukol kina Mayor Albee at Ivana.

Read more...