King Charles nagbigay ng medalya sa Blackpink, wish mapanood sila nang live
NAKATANGGAP ng medalya ang Korean pop girl group na Blackpink mula kay King Charles.
Ang mga miyembro na sina Jennie, Jisoo, Lisa at Rose ay nakakuha ng honorary Member of the Order of the British Empire (MBE) medals kasabay ng state visit ng South Korean President na si Yoon Suk Yeol sa United Kingdom.
Sa inilabas na litrato ng Buckingham Palace, makikita ang ilang litrato na nakikipagchikahan at nakikipagtawanan pa ang British monarch sa grupo habang tinatanggap ang mga medalya.
“It’s amazing you’re still talking to each other after all these years,” pagbibiro ni King Charles jokingly sa apat.
Baka Bet Mo: First Lady Liza Marcos pasok sa ‘52 Most Fashionable Personalities’ sa coronation ni King Charles
Ani pa ng hari, “I hope I shall be able to see you perform live at some point.”
Kinilala ang Blackpink sa kanilang papel bilang COP26 Advocates for the United Nations climate summit na ginanap sa Glasgow noong 2021, saad sa inilabas na pahayag ng Buckingham Palace.
Kung matatandaan noong Hulyo ay gumawa ng kasaysayan ang grupo bilang kauna-unahang K-Pop group na nag-headline ng isa sa major UK music festival, ang BST Hyde Park summer festival sa London na may 65,000 na manonood.
Mula nang mag-debut noong 2016, ang Blackpink ang isa sa most successful girl groups sa buong mundo.
Sila rin ang isa sa most subscribed music artists sa YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.