Robi, Maiqui 1 buwan nang mag-asawa, nag-honeymoon sa Vietnam?

Robi, Maiqui 1 buwan nang mag-asawa, nag-honeymoon sa Vietnam?

PHOTO: Instagram/@jajasamaniego

IPINAGDIRIWANG ngayon nina Robi Domingo at Maiqui Pineda ang isang buwan ng pagiging mag-asawa.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Robi ang ilang pictures ng masasayang moments ng kanilang kasal at nag-alay pa siya ng tula para sa kanyang misis.

“Lumipas ang isang buwan/ Marami man ang pagdaanan/ Ikaw pa rin ang sasabihan/ At tatawaging aking tahanan,” wika niya sa IG.

Baka Bet Mo: Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Shinare din ni Maiqui ang post ni Robi para sa kanya sa Instagram Stories at proud na inilahad ang caption na: “One month [red heart emoji].”

PHOTO: Instagram Story/@maiquipd

Sa ngayon, kasalukuyan nagbabakasyon sa vietnam ang newly wed couple na masaya nilang ibinandera sa kanilang IG pages.

Baka Bet Mo: Melai kay Robi: ‘Nagpapakengkoy ka kay Maiqui, kahit deep inside…in pain’

PHOTO: Instagram/@iamrobidomingo, @maiquipd

 Apat na taong naging mag-dyowa ang dalawa bago pa sila ma-engage noong 2022.

 Nangyari ang kanilang kasal noong January 6 sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga principal sponsors sa kasal nina Robi at Maiqui ay sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes at Star Magic head Laurenti Dyogi, Piolo Pascual, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Vicki Belo, and former Vice President Leni Robredo.

Nagsilbing groomsmen naman sina Donny Pangilinan at Darren Espanto habang ang ex-couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang naging candle bearers.

Read more...