TINULDUKAN na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga haka-hakang hiwalay na sila ng kanyang fiancè na si Sam Milby.
Marami kasing lumalabas na chikang tila hindi na rin nagpo-post ang dalawa ng kanilang pictures together ng aktor.
May ilan rin kasing makapansin na hindi raw suot ni Catriona ang kanyang engagement ring kaya naman nag-aalala ang mga netizens kung tuloy pa rin ba ang kasal nilang dalawa.
“Is your wedding already called-off? You are no longer wearing your engagement ring,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “[Catriona], madami ako nabasa na mga eagled eye netizen na break na daw kayo [ni] Sam, dahil hindi mo sinusuot ang engagement ring mo?”
“Hi idol.. Bkit wla n rin kyo picture together ni Sam milby? I feel sad,” sey naman ng isa.
Baka Bet Mo: Catriona Gray, Sam Milby super busy sa wedding preparations, kasalan tuloy na tuloy na sa 2024
At upang matigil na ang mga Marites sa pagpapakalat ng chika ay nag-post si Catriona sa kanyang Instagram kung saan naka-tag si Sam.
“A little adventure,” saad ng beauty queen sa caption.
Makikita namang tila nakahinga na nang maluwag ang mga faney at supporters ni Catriona dahil sa pa-update ni Catriona.
Bagamat wala si Sam sa larawan ay sapat na para sa mga ito na naka-tag sa post ang aktor.
“Sagot yan [ni Catriona] sa mga marites e masyado kayo..lahat na Ing tig bibigyan nyo ng
meaning,” sey ng isang netizen.
Comment pa ng isang faney, “hay salamat kayo padin madaming liyak pag kayo naghiwalay pa plsss pakasal na kayo.”
“Ha ha, naku Catriona sabi ng mga marites e Team mo lang daw kasama you per their igs..he he..husko, sakit saulo…” pasaring naman ng isa sa mga bashers.