Anne napaiyak sa pinagsasabi ni Regine tungkol sa kanyang boses

Anne napaiyak sa pinagsasabi ni Regine tungkol sa kanyang boses

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Anne napaiyak sa pinagsasabi ni Regine tungkol sa kanyang boses

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 06:45 AM

Anne napaiyak sa pinagsasabi ni Regine tungkol sa kanyang boses

Anne Curtis at Regine Velasquez

CRAYOLA (read: cry) nang bonggang-bongga ang TV host-actress na si Anne Curtis dahil sa mga pinagsasabi ni Regine Velasquez.

Hindi kasi inaasahan ni Anne na pupurihin ng nag-iisang Asia’s Songbird ang kanyang boses on national TV.

Talagang naging emosyonal ang “It’s Showtime” host nang mapanood ang isang video clip mula sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” kung saan nagkomento si Regine about her voice.

Sa X account ng actress-TV host kahapon, February 6, sinabi nitong hindi niya ine-expect na pupurihin ni Regine ang boses niya ngayon.

Baka Bet Mo: Netizens kumasa sa ‘crying groom challenge’ ni Luis: Yung nanay mo Recto pero napangasawa mo Mendiola!

Sa isang video clip ni Anne mula rin sa isang episode ng naturang Kapamilya talk show, buong-ningning na sinabi ni Regine na nasa tono na raw ang  pagkanta ng aktres.

“Tingnan mo si Anne, ‘di ba dati si Anne ‘yong tawang-tawa lang tayo. Bakit tayo natatawa sa kaniya? Kasi wala siya sa tono, e,” sey ni Regine.

Dagdag pa niya, “Pero actually ngayon, nasa tono na siya, e. Actually, gumaling na nga siya, e. Kasi pinagpursigihan niya. And she actually loves it, she likes it.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Ni-repost nga ito ni Anne sa X at nilagyan ng caption na, “Wait lang madam @reginevalcasid. Naiiyak ako. Thank you so much.

“Nakahelp din talaga ang voice lessons ko with miss Kitchie Molina. thank you for your kind words,” mensahe pa ni Anne kay Songbird.

Baka Bet Mo: Ogie Alcasid umaming mas naging ‘very sensitive’ ngayon: ‘I cry over Korean dramas, maybe I’m just getting old?!’

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang post ni Anne. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comment.

“Yes po ms @annecurtissmith galing nyo po kumanta promise.”

“O, coming from THE @reginevalcasid na yan! Meron naman kasi talaga. kailangan lang ilagay sa tamang direksyon. Keep on singing Annita!”

“love you!!! nasa tono man o wala, papanoorin at pupuntahan ka pa rin ng mga tao. relevance!!!!!!!”

“Mapepressure ka na nyan.”

“Nahahasa yan talaga kapag araw2 ka kumakanta.”

“Huyyyy totoo naman po ito.”

“Proud of you Anita!!!! Saksi ako sa growth mo.”

“Gawa ka na po ulit new album!!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I go for Regine x Anne collab on ASAP!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending