Pops excited nang makarga ang apo kay Robin: Sana mahiram namin ng 1 week

Pops excited nang makarga ang apo kay Robin: Sana mahiram namin ng 1 week

Pops Fernandez, Robin Nievera, Martin Nievera at Baby Phin

NGAYON pa lang ay naiiyak na ang Original Concert Queen na si Pops Fernandez sa inaasam na pagkikita nila ng kauna-unahan niyang apo.

Super excited na nga ang OPM icon sa pagiging lola sa first baby ng kanyang anak si Robin Nievera na isa na ngang certified daddy ngayon.

Nanganak ang partner ni Robin na si Mian Acoba last December sa Amerika kaya naman hindi pa ito nasisilayan ni Pops na naging busy sa paghahanda sa anniversary concert niyang “Always Loved” na magaganap na sa Friday, sa The Theater at Solaire, Parañaque City.

Ayon kay Pipay, looking forward na siya sa pagkikita nila ni Baby Phin para makarga at mayakap na niya ito.

“Yes, I am a certified Lolli. And palagi akong tinatanong ano raw ba ang nararamdaman ko. Siyempre sasagutin ko ‘yon sa generic answer na I’m very excited and proud.

Baka Bet Mo: #Rebelasyon: Piolo, Aga parehong naging ‘jowa’ ni Pops

“Pero I’m sure maiiba po ang aking sagot kapag nakasama ko na po first time si Baby Phin.

“Dahil for sure hahagulgol ako sa tuwa. Ngayon pa lang kasi naiiyak na ako but iba siyempre kapag naka-bonding ko na siya,” kuwento ni Pops sa guesting niya sa “Magandang Buhay” last Monday.


Aniya pa, “Unang-una hindi ako makapaniwala na dad na talaga si Kuya. Kailangan nating i-accept ‘yon and I think they’re going to be good parents.

“Nakita naman nila ‘yung ginawa namin for them at ‘yung pagkukulang namin. I’m sure part ‘yun ng learnings nila as a parent,” lahad pa ni Pipay.

Baka Bet Mo: Pops wala pa ring dyowa pero may ka-date tuwing Valentine’s Day, sino kaya?

Chika pa ng singer-actress at producer, “Ang gusto ko sana nagpaparinig na ako kay Robin at kay Mia, na sana there will come a time na mahiram naman namin si baby, ‘yung overnight, ‘yung mga one week, ganyan.

“But siyempre excited lang kami, my very first grandchild and my mom’s very first great-grandchild.

“So I am hoping na makabalik sila rito sa Philippines para ma-enjoy din naman ng family ko,” sey pa ng ex-wife ni Martin.

Read more...