BILANG nauuso ngayon sa social media ang “At 21” trend, ibinandera ng actress-model na si Solenn Heussaff ang kanyang entry para rito.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing trend ay bagong gimik ng netizens na kung saan ay dapat i-post ang pictures na kinunan noong ika’y 21 years old.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinahagi ni Solenn ang ilang throwback photos noong 2007 at inalala ang pagiging bartender sa Paris noong siya’y nasa edad 21.
Ayon sa kanya, ang naging karanasan sa dati niyang trabaho ang nagpatatag sa kanyang pagkatao.
“21. Worked as a bartender in Le Sense [in] Paris,” wika niya sa post.
Kwento niya pa sa hiwalay na IG Story, “Met lots of strange night owls, awkward situations that made me strong and built my character. But [I] also met lots of great people I am still friends with today.”
Baka Bet Mo: Payo ni Solenn sa mga taong ‘yes lang nang yes’: Speak up, it’s one thing I’m not good at…I’m a people pleaser
Kung matatandaan noong April 2023, naikuwento ni Solenn sa naging interview niya with celebrity doctor Vicki Belo kung paano siya nagsimula sa kanyang showbiz career.
Ayon sa kanya, ang pamilyang Gutierrez ang naging dahilan kaya siya naging artista.
Naging makeup artist kasi siya ng magkakapatid na sina Raymond, Richard at Ruffa.
And at that time daw, ang target pa niya noon ay makilala bilang professional makeup artist, pero ito raw ay nagbago nang pinilit siya ni Raymond na sumali sa reality competition na “Survivor Philippines” noong 2010.
At nang natapos na ang ang nasabing show, naging sunod-sunod na ang proyekto ni Solenn.
Kabilang sa mga kinatampukan niya ay ang “My Valentine Girls,” “Captain Barbell,” “Temptation Island,” “Mumbai Love,” at marami pang iba.
Samantala, taong 2016 nang ikinasal ang actress-model sa Argentine businessman na si Nico Bolzico at nagkaroon ng dalawang anak na sina Thylane at Maelys Lionel.