“SOBRA na ‘yan Heart Evangelista!”
Ganyan ang naging reaksyon ng ilang netizens matapos ibandera ng fashion icon ang pagsasama nila ng sikat na Korean star na si Lee Min-ho.
Sa Instagram ni Heart, makikita ang short video na na-meet niya si Min-ho sa isang fashion event sa Thailand.
Naging agaw-pansin din sa maraming fans ang pag-shake hands ng dalawa habang nag-uusap.
Bukod diyan, nagkaroon pa ng pictorial ang dalawa para sa isang luxury fashion brand.
“36 hours and hundreds of laughters! A day of celebration with [Fendi],” caption ni Heart sa kanyang IG.
Baka Bet Mo: Geraldine Roman ikinumpara kay Heart Evangelista: ‘Grabe, I’m touched! Kulang na lang talaga sa buhay ko ay keso’
Sa comment section, muling napagkaguluhan si Heart at karamihan sa fans ay inggit na inggit na sa kanya.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“‘Di ko kinaya ang LEE MINHO level, Mareee!!! [emojis]”
“Hindi talaga ako inggitera sa ganda at gamit ng iba. Pero abot langit inggit ko pag may pakikipag ngitian at shake hands sa mga oppa ko eh.”
“Grabe na ang level mo Mareng @iamhearte [emojis] Lee Min Ho levels na sis!! So proud of you! [emoji]”
“Naghugas kanaba ng kamay @iamhearte. Pag di pa, pa hampas muna sa mukha ko hahaha”
“Hoy!!!! Mygad!!! Bakit may ngitian at kamayan na yan. Hindi kami naiinggit Hearty [crying emoji]”
Tiningnan din ng BANDERA ang IG posts ng Korean idol at nakita namin na ibinadera rin niya ang ilang moments mula sa nasabing event.
Si Min-ho ay sikat sa ilang K-Drama kabilang na ang “The Heirs,” “Boys over Flower,” “The Legend of the Blue Sea” at “The King: Eternal Monarch.”
Noong January 27 lamang nang huling mag-trending si Heart dahil naging seatmate niya sa isang fashion event sa Paris Fashion Week ang TWICE member na si Myoi Mina.
Tuwang-tuwa ang maraming fans dahil tila mag-bestfriends ang dalawa kung titingnan.
Makikita kasi sa viral photos na super close umano sina Heart at Mina sa upuan habang nanonood ng mga rumarampa sa runway.