NABULABOG ang showbiz industry sa biglaang pagpanaw ng ABS-CBN Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal.
Ito’y base na rin sa post ng nag-iisa niyang anak na si PJ Endrinal sa Facebook account nito kagabi bago mag-alas-10.
Ang caption sa mga larawang ipinost ni PJ ay, “This has to be the hardest caption that I will ever post.
“Thank you daddy for everything, you have been the best father not just to me but to everyone that has known you. We will always remember how fortunate we are that you were in our lives.
“This will definitely be a hole in my heart and will leave a scar; but I know that you’re finally free from pain and now happily dancing in heaven cause you’ll definitely be the life of the party up there.
Baka Bet Mo: Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!
“We might be grieving now but instead of the sadness we should be celebrating the life you lived and shared with us and for that we’ll always be grateful.
“For now, Rest in Paradise Daddy.
“I love you so so much.”
Buong industriya ng showbiz ay nagdadalamhati sa pagkawala ni Sir Deo lalo na ang lahat ng mga artistang natulungan niya noong nagsisimula pa lang sa kanilang mga karera na ngayon ay mga sikat na.
Pati na rin ang mga nagsisimulang magsulat sa entertainment ay binigyan din ng puwang ng nasabing TV executive at higit sa lahat, naging mentor siya ng mga sikat na manunulat sa pelikula at telebisyon at pati mga baguhang direktor ay pinagkatiwalaan niyang hawakan ang mga shows na pinoprodyus niya.
Narito ang mga artistang nagpasalamat kay Sir Deo.
Nag-post si Bea Alonzo sa social media ng larawang kasama niya si DTE, “You were a blessing to many. Maraming salamat sa kabutihan mo, Sir Deo. You will be missed beyond words, and your memory and wisdom will live with us forever.”
Gayun din si Angeline Quinto na nag-post sa kanyang FB account ng mga larawang kasama ang TV executive.
Mensahe niya, “Hindi ko alam paano mag-uumpisa. Durog na durog ang puso ko Sir Deo wala akong ibang gustong sabihin, Maraming maraming salamat po sa inyo hindi lang bilang boss ko, Ikaw ang naging pangalawang Tatay ko, sobra ang pag aalaga mu sa akin at sa pamilya ko.
“Ipagpapatuloy ko ang pag kanta ng mga awiting galing sa puso ko gaya ng lagi mong sinasabi sa lahat ng themesong na ipinagkatiwala mu sa akin. Mahal na mahal kita Sir Deo. Iyakap mo po ako kay Mama Bob. I love you very much DTE,” aniya pa.
Baka Bet Mo: RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Wilbert at Zeinab: Mas lalong minahal ng tao si…
Ang ex-beauty queen na si Bianca Manalo na matapos manalo bilang Binibining Pilipinas Universe 2009 ay binigyan kaagad ni DTE ng solo project, ang “Juanita Banana” na tumagal ng isang taon.
Komento niya sa larawan ni Sir Deo, “(heartbroken emojis) Maraming Salamat po, Sir Deo.”
“Sending love and prayers (praying hands emoji),” mula kay Yam Concepcion na naka-base ngayon sa Amerika.
Pusong sugatan naman ang post ng aktor na si Jake Ejercito na sa Dreamscape nagsimula ang acting career.
Ang dating child star na si Jana Agoncillo ay nagpost din, “Condolence po. Maraming salamat po sa lahat Sir Deo.”
Pati ang singer-actress na si Vina Morales ay nagparating din ng pakikiramay sa anak ng namatay, “Condolence peejjjjj. soooo sorry for the loss. Higpit na baby peej.”
Si Maricar Reyes-Poon na binigyan ng acting career ni DTE ay nag-post din, “Big hugs peej. Will forever be grateful to your dad.”
Praying hands at broken heart emojis naman ang post ni Shaina Magdayao, “We are grateful for your Fathers life. Sobrang dami nyang natulungan. Salamat for sharing him with us. Deepest condolences, PJ.”
Broken heart at crying face emoji naman ang post ng King of Teleserye Themesongs na si Erik Santos, “Sir Deo.”
Say naman ni Ruffa Gutierrez, “We love you, Sir Deo. May you rest in peace. Our sincere condolences, PJ.”
Post ng “Emilia Ardiente” ng Dreamscape Entertainment na si Konsehala Aiko Melendez, “sir DEO (broken hearts and praying hands emojis).”
Isa pang binigyan ng acting career ni DTE ay si Richard Yap na ngayon ay nasa GMA 7 na, “Our sincere condolences Peej, we will miss you Sir Deo, we love you.”
Sabi naman ni Giselle Sanchez kay PJ, “Your dad was a great man. We are all grateful to him. My prayers and condolences to you and your family @pjendrinal . We love you Sir Deo.”
Ang direktor na si direk Mayor Lino Cayetano ay sa Dreamscape nagsimula pagkatapos niyang mag-StarStruck sa GMA, “Condolendes PJ. sir deo is so well loved Rest in peace Sir deo. We love you.”
May mensahe rin ang Cornerstone Entertainment President at CEO na si Erickson Raymundo na huling sabi sa amin ay tumitingala siya kay Sir Deo dahil isa itong henyo bilang producer, writer at negosyante.
Aniya, “My sinceresy sympathies Peej. We love you Sir Deo.”
Isa rin sa aktor na nagsimula sa pangangalaga ni DTE ay si Enchong Dee, “Mahigpit na yakap Peej. Condolences.”
Say ni Maja Salvador, (crying face and broken heart emojis) “Sir Deo, Peej yakap ng mahigpit.”
Pakikiramay naman ng aktres na si Jodi Sta. Maria, “Condolences Peej. I love you Tito Deo. Rest in Paradise.”
Hindi rin nagpahuli si Andrea Brillantes na lumaki ang pangalan dahil sa mga magagandang programang ipinagkatiwala ni DTE, “Our deepest condolences, kuya Pj. We love you so much sir Deo.”
Nabigyan din ng pagkakataong maka-work ng Dreamscape si Bela Padilla, “My deepest condolences, PJ. praying for you.”
Mensahe ni Cherie Pie Picache, “Mahigpit na mahigpit na yakap Peej. Rest now in our Father’s arms Sir Deo.”
Mula kay Eula Valdes, “My deepest condolences, PJ. Thank you, Sir Deo we love you.”
Nakasama rin noon si Ryza Cenon sa “Batang Quiapo” na nagpahatid din ng pakikiramay kay PJ, “Mahigpit na yakap Pj. Our deepest condolences.”
Si Janine Gutierrez na pagkalipat niya ng ABS-CBN ay sa Dreamscape series of shows siya napanood, “I’m so sorry peej. My deepest condolences. We love you and sir deo.”
Broken hearts emojis din ang post ni Miles Ocampo, “Sir Deo.”
Siyempre nakiramay din ang isa sa mainstay ng malalaking programa ng Dreamscape na si Lorna Tolentino, “Our love and prayers mahigpit na yakap PJ.”
Marami pang personalidad na nakidalamahati sa mga naiwan ni sir Deo at umabot na sa kulang-kulang 3,000.
Samantala, nakaburol ang labi ng TV executive sa Heritage Park, Taguig City Chapel 3, 4 and 5. Maaaring bumisita ang mga nagmamahal kay DTE simula ngayong hapon, 3 p.m. hanggang 2 a.m.. Sa February 8 ang kanyang libing.