Iconic film na ‘Despicable Me’ magbabalik sa big screen after 7 years
MAKALIPAS ang pitong taon, muling magbabalik ang binansagang world’s favorite super villain-turned-Anti-Villain League-agent na si Gru.
Ipapalabas na kasi sa mga lokal na sinehan ang part 4 ng “Despicable Me” sa darating na July 3!
Mapapanood pa rin sa pelikula ang cute na cute na mga Minions pati na rin ang baby girls ni Gru na sina Lucy, Margo at Edith.
Kalalabas lang ng pasilip ng “Despicable Me 4” at mapapanood na may bagong miyembro sa pamilya ni Gru.
Siya’y walang iba kundi ang kanyang anak na si Gru Junior!
Baka Bet Mo: ‘Abigail’, ‘Tarot’, bagong ‘Ghostbusters’ mga pelikulang mananakot sa 2024
Siyempre, hindi rin mawawala ang mala-action packed na adventure ni Gru kasama ang kanyang pamilya at ng kanyang Minions.
Magbabalik kasi ang nemesis niya na si Maxime Le Mal na bobosesan ni Will Ferrell, at ang femme fatale girlfriend nito na si Valentina na binigyang-buhay naman ni Sofia Vergara.
Maliban sa mga nabanggit, tampok din ang fresh new characters voiced by Joey King, Stephen Colbert and Chloe Fineman.
Nandyan din siyempre ang gumagawa ng iconic voice ng Minions na si Pierre Coffin, pati na rin si Steve Coogan na nagbabalik bilang si Silas Ramsbottom, ang pinuno ng Anti-Villain League na naging kakampi ni Gru.
Sa social media, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkasabik na mapanood ang sikat na animated film.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I love these movies …I can’t wait for this one [happy face with hearts emoji].”
“This trailer is so cute and funny. I’m so excited to watch it!”
“These movies are literally one of our favorite series. How exciting. Gahhh!”
“Finally something good to watch lol [red heart emojis].”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.