Church wedding nina Luis at Jessy tuloy na; Baby Peanut ‘little bride’

Church wedding nina Luis at Jessy tuloy na; Baby Peanut 'little bride'

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

CONFIRMED! Tuloy na tuloy na ang pinakahihintay na church wedding ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Kung tama nga ang nakarating sa aming balita, magaganap daw ang kasal nina Luis at Jessy sa simbahan ngayong darating na February 15.

Sa isang panayam, sinabi ni Jessy na mangyayari ang church wedding nila ng kanyang mister “very soon” kaya mukhang malapit na malapit na nga itong mangyari.

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nais nang bumalik sa showbiz, Baby Peanut mag-aartista na rin ba?

Kung matatandaan, ikinasal ang celebrity couple sa pamamagitan ng isang civil wedding noong February, 2021, which was officiated by Lipa City Mayor Eric Africa.

“We’re not really hiding it naman. Finally, matutuloy na rin ‘yung church wedding namin,” ang pahayag ni Jessy sa panayam ng ABS-CBN.

“Dream wedding namin. Finally, makakauwi na rin ‘yung family ko, ’cause when we did our civil wedding noong 2021, wala pa ‘yung family ko noon,” dagdag pang chika ng aktres.

Talaga raw hinintay ng mag-asawa ang “tamang panahon” para sa pagpapakasal nila sa simbahan upang masiguro na makararating ang pamilya ni Jessy.


“Nakakatuwa, kasi my whole family is coming and finally they can meet Rosie (panganay na anak nila ni Luis).

Baka Bet Mo: Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

“It’s an intimate wedding again, we’re not really hiding it but we’re not putting it our there naman.

“This time kasi, si Luis nga sweet eh, sabi niya I want you to have your wedding of your dreams, with your family and with the Lord,” pagbabahagi pa ni Jessy.

Excited na rin daw sina Luis at Jessy sa pagrampa ni Rosie o Baby Peanut bilang isa sa mga bridesmaids.

“Little bride siya, nae-excite ako, super! And naglalakad na siya, sana lang makayanan niyang maglakad sa aisle,” sey pa ng celebrity mom sa naturang panayam.

Read more...