Pelikula nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera kumita na ng P5.2M

Pelikula nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera kumita na ng P5.2M

MUKHANG patok na patok sa madlang pipol ang pelikulang “My Sassy Girl” na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.

Nitong Miyerkules, January 31 nang mag-premiere ang naturang pelikula ay agad nang pumalo sa P5.2 million ang kinita nito.

Sa katunayan, nag-post ang Viva Films sa kanilang social media pages upang ibandera ang successful opening gross sales ng pelikula nina Toni at Pepe.

“Ramdam na ramdan na ang #MySassyGirlPHFever! Maraming salamat po sa mga unang nanood ng #MySassyGirlPH dahil P5.2 million ang total opening day gross! We feel your love! This is the romcom movie you need ngayong season of love,” saad sa kanilang post.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga may balak nga bang bumalik sa PBB?


Matatandaang tatlong taon na rin ang nakalipas buhat nang matapos ang shooting nina Toni at Pepe sa “My Sasy Girl”.

Sa katunayan, marami na rin ang nag-aantay noon pa man sa naturang pelikula dahil sa magandang kwento nita.

Ang “My Sassy Girl” na pinagbibidahan nina Toni at Pepe ay hango sa South Korean film na may same title na ipinalabas noong 2001.

Ito ay pinagbidahan noon nina Jun Ji-hyun and Cha Tae-hyun.

Marami rin naman ang pumuri sa galing ni Toni at sinabing siya na talaga ang “Queen of RomCom movies”.

“the romcom Queen is back !!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kaka nood lang kahapon. iiyak tatawa at kikiligin ka. Di nakakasawang ulitin.”

“Napakaganda Ng movie patatawanin ka at paiiyakin. romcom queen talaga Miss Toni. Si pepe Ang galing na actor [heart emoji] congrats My sassy girl!” sey naman ng isa.

Read more...