TILA sabik na si Dennis Padilla na muling makasama at maka-bonding ang kanyang anak na si Julia Barretto.
Sa katunayan, nag-post ito sa kanyang Instagram account ng larawan ng dalaga para na rin i-congratulate ang anak.
Makikitang full support si Dennis sa upcoming movie ni Julia kung saan makakatambal niya si Aga Muhlach.
“Dearest Juy… Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita,” saad ni Dennis sa caption.
Pagpapatuloy niya, “Always praying for more blessings… Good luck sa new movie mo.”
Matatandaang huling namataang magkasama ang mag-amang sina Dennis at Julia noong December 2020 matapos silang aksidenteng magkita.
Kalaunan ay nag-guest ang komedyante sa kanyang vlog noong May 2021.
Inamin nga ni Dennis sa kanilang pag-uusap na ang naging “biggest frustration” niya ay ang hindi nila pagkakaroon ng komunikasyon.
Naging open na rin ang dalawa at ipinaalam ang mga naging sama ng loon sa isa’t isa.
Ngunit makalipas ang ilang buwan ay tila nagkaroon na naman ng hindi pagkakaintindihan sina Dennis at Julia dahil wala nang nabalitaang pagsasama ng dalawa.
Sa naging panayam ni Julia sa vlog ni Karen Davila na ipinalabas noong September 2022 kung saan nausisa ang kung kumusta na sila ng ama.
“Where are you now with your dad?” tanong sa kanya ni Karen.
Sagot ni Julia, paulit na ulit na cycle na lang daw ang nangyayari sa kanila ni Dennis na magkakaayos sila pagkatapos ay magkakaroon na naman ng tampuhan.
“I’ll be very honest, we have not spoken, and it’s because there’s just so much fear inside me now, if I’m being very open.
“I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt,” kuwento ni Julia sa relasyon nila ng amang si Dennis.
Pagpapatuloy niya,”And, you know, I’ve just been praying also na, I don’t know, maybe in God’s time and way na, you know, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”