Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo: You’ve been doing great

Jericho Rosales kay Kathryn Bermardo: You've been doing great

TILA nagulat ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo nang makita sa video si Jericho Rosales upang i-congratulate siya sa muling pagpirma ng exclusive contract sa Star Magic.

Matatandaang nitong Biyernes, February 2, naganap ang kanyang pagpirma na dinaluhan rin mg mga big boss ng Kapamilya network na sina Chief Executive Officer and President Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, Head of Star Magic and Entertainment Production Laurenti Dyogi, Head of Star Magic Marketing and Senior Talent Manager Alan Real, Chief Finance Officer Rick Tan, Head of ABS-CBN Films Kriz Gazmen.

Bahagi rin ng exclusive contract signing no Kathryn ang pagbibigay mensahe ng kanyang pamilya, mga malalapit na kaibigan, pati na rin ng mga fans na ptuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya para sa bagong journey na kanyang tatahakin. Isa na nga rito si Jericho.

Hiling ng aktor na sana ay kasabay ng kanyang pag-renew ng kontrata ay sana magkaroon ng chance na magkatrabaho sila.

Pinuri rin ni Jericho si Kathryn dahil sa pagiging mabuti at magaling nitong aktres.

“Hey, Kath. I want to congratulate you too for the steps that you’ve been taking. Been watching you and you know you’ve been doing great.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Jericho Rosales spotted together, may ‘something’ nga ba?

“I hope that we can work on something someday, and we will work on that promise,” mensahe ni Jericho.

Natuwa at nagulat rin naman si Kathryn sa naging mensahe ng kaibigan.

“[Thank you] Echo [nickname ni Jericho].

“Nasingit pa niya yung video, e, parang puma-party kami non for Ate Maja’s gender-reveal [party]. Nag-video pala siya. Thank you so much for the video,” pasasalamat ni Kath.

Bukod kay Jericho, nagbigay rin ng mensahe sina Piolo Pascual, Dolly de Leon, Chie Filomeno, Cathy Garcia-Sampana, Olivia Lamasan, at Alden Richards.

May message rin ang kanyang bestfriends na sina Trina Guytingco at Arisse de Santos.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinabi ni Jericho na nais niyang makatrabaho si Kath.

Noon pa man kasi ay looking forward na ang aktor na makatrabaho si Kathryn.

Lately lang rin nang matagpuang magkasamang nagdya-jogging sina Kath at Jericho kasama si John Manalo.

Read more...