Chris Ross napunta sa Petron kapalit ni Denok Miranda | Bandera

Chris Ross napunta sa Petron kapalit ni Denok Miranda

Barry Pascua - October 30, 2013 - 08:41 PM

PANSAMANTALA lang pala ang pagkakalipat ng point guard na si Chris Ross sa Global Port na ipinamigay din ng Batang Pier sa Petron Blaze kahapon.

Ang four-year PBA veteran court general ay kinuha ng Boosters kapalit ni Dennis Miranda sa isang trade na inaprubahan kaagad ni commissioner Chito Salud.

Ang Petron ay magiging ikaapat na koponan ni Ross na nagsimula para sa Coca-Cola bago naipamigay sa Sta. Lucia Realty na nabili naman ng Meralco. Noong 2011-12, kahit pa kasabay ni Solomon Mercado sa backcourt, si Ross ang siyang naging leader sa assists ng Bolts. Napanatili niya ang distinction na ito noong nakaraang season matapos na ipamigay si Mercado sa Global Port.

Sina Ross at Chris Timberlake ay ipinamigay ng Meralco sa Global Port dalawang linggo na ang nakalilipas kapalit nina scoring champion Gary David at AJ Mandani.

Sa Petron ay makakatuwang ni Ross sa backcourt sina Alex Cabagnot at Chico Lanete.

Si Miranda, isang produkto ng Far Eastern University, ay nagsimula naman sa Coca-Cola bago nalipat sa Sta. Lucia Realty. Nakabilang siya sa Petron tatlong taon na ang nakalilipas.

Hindi halos nagamit si Miranda sa best-of-seven Finals ng katatapos na PBA Governors’ Cup matapos na makuha ni Lanete ang kanyang posisyon bilang karelyebo ni Cabagnot.

Sa Global Port ay mananatili siyang chief reliever ni Mercado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending