DUMULOG si Franklin sa “CIA with BA” upang humingi ng tulong at payo matapos magulpi ng dalawang beses.
Nangyari ang gulpihan nang subukan niyang disiplinahin ang isang bata sa kanilang lugar.
Ayon kay Franklin, napaaway siya sa ama at sa mga tiyuhin ng bata na pinigilan niyang humawak at magpahid ng maruming stick sa ibang bata.
Subalit nakunan ang pangyayari sa CCTV at base sa footage, nagmukhang sinakal at kinaladkad niya ang bata.
Baka Bet Mo: Botika hindi nagbabayad ng upa, kaserang senior citizen nagreklamo
“You can have good intentions but you can not put your hands on another person’s child,” ani Sen Alan Peter Cayetano habang ineestima ang kaso ni Franklin.
“Remember, it’s not what you say, it’s what you hear. Kasi kapag sinabi mong ‘hindi ko sinaktan,’ ang naririnig agad nu’ng magulang, hindi ka sorry,” sabi niya.
“Pero ‘pag inunahan mo ng ‘pasensya na kayo ha,’ and then ‘pag nakinig na saka mo sabihin na, ‘by the way po, kung titingnan po sa CCTV, hindi ko po ginawa ‘yon.’ It’s the way you say it,” dagdag pa ng senador.
Nagpahayag rin ng kanyang saloobin si Sen. Pia Cayetano tungkol sa sitwasyon ni Franklin.
“Tiningnan ko rin kasi ‘yung CCTV. Talagang masasabi ko rin na parang unnecessary use of force ang ginamit mo sa bata,” aniya. “Bagamat sabihin mong maganda ang intensyon mo na hindi mapahiran ng (dumi ‘yung ibang bata), pero hindi reasonable ang iyong aksyon.”
Ipinaliwanag naman ni Alan ang mga posibleng mangyari, “Isang pwedeng mangyari, pareho kayong makukulong. Pareho kayong masisintensyahan, pareho kayong mapa-parol,” sabi niya.
Baka Bet Mo: Boy, Alan, Pia tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagbibigay ng legal advice sa ‘CIA with BA’ season 3
“The other thing is someone you both respect, whether it’s the barangay captain or someone na mas matanda sa inyo, can sit you down, explain everything. Kasi alam niyo, kaya ‘yung sinasabing ‘forgive and forget.’
“Kasi minsan ‘pag forgive lang and you don’t forget, ano e, ‘pag uminit ulo, tuloy na naman. Ang problema lang minsan, that’s why we say ‘forgive but don’t forget,’ para ‘wag maulit,” aniya pa.
“Of course we’re willing to help, whether to talk to your barangay captain or assign one of our lawyers but ‘yun nga, both sides have to admit na may mali sila,” sabi rin ni Sen. Alan.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.