Paulo hindi kayang maging 'friends' sa ex-dyowa na cheater

Paulo hindi kayang maging ‘friends’ sa ex-dyowa na cheater: It’s not easy

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 08:06 AM

Paulo hindi kayang maging 'friends' sa ex-dyowa na cheater: It's not easy

Maricel Soriano, Paulo Avelino, Kim Chiu at JM De Guzman

MAINIT ang naging pagtanggap ng madlang pipol sa pagsisimula ng teleserye version ng “Linlang” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Siyempre, tuwang-tuwa sina Kim at Paulo pati na sina JM De Guzman at Maricel Soriano sa tagumpay ng kanilang pilot week last Monday, January 22.

Nakakuha ng multiple trending topics sa social media at humamig ng 367,069 live concurrent views sa Kapamilya Online Live ang pilot episode ng “Linlang.”

Sa nakaraang mediacon ng teleserye version ng programa na unang nag-hit sa streaming platform na Prime Videos, nag-share sina Kim, Paulo at Maricel ng kanilang personal take sa kanilang mga karakter.

Baka Bet Mo: Paulo nagpataba para sa ‘Linlang’ kaya nabawasan ang projects: ‘Tapos kailangan uli akong magpapayat para sa second part ng series’

Isa sa mga naitanong sa mga bida ng “Linlang” ay kung payag ba silang  maging friends ng kanilang dating partner kahit pa niloko at pinaglaruan lang sila ng mga ito.

Sagot ni Pau, “It’s not very easy. I think immediately hindi pero minsan sa katagalan na rin ng panahon at siguro depende na rin kung paano kayo makipag-usap sa isa’t isa, yung pakikitungo niyo sa isa’t isa maayos, I think over time or eventually pwede.”

Agree naman si Kim sa sinabi ng kanyang leading man, “Lahat naman ng sugat hindi naman siya agad-agad gumagaling so lahat ng panloloko hindi mo agad mapapatawad. So I think it involves time and acceptance.”

Iba rin daw kasi ang magiging usapan kung may anak sila tulad ng karakter niya sa serye bilang si Juliana, “Para na rin siguro sa sitwasyon ni Juliana at Victor (Paulo), may anak kasi sila so may consideration din na kasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“May time, acceptance, and be considerate sa anak niyo para hindi na rin siya ma trauma or ganoon. I-set aside muna yung hate. May oras na kailangan daanan yung proseso.

Baka Bet Mo: Kim hirap na hirap gumanap ng may kabit: ‘Kalaban ko ‘yung sarili kong dignidad sa ipinaglalaban ng karakter ko’

“Hindi naman din kasi siya in one click mapapatawad na kita, okay magbati na tayo para sa anak natin. May oras talaga, buwan, taon o a decade,” esplika ni Kim.

Para naman kay Maricel, naniniwala siya na kahit hindi magsalita o mag-explain ang mga parents, more or less ay knows daw ng mga anak kung ano ang nangyayari sa bahay.

“Kasi ang mga bata akala mo lang naglalaro sila diyan pero Dumbo ears yang mga yan. Alam nila yan kasi ako Dumbo ears din ako noon,” ani Maricel.

“Napaka-sensitive nila kahit wala kang sinasabi, alam nila. Kasi magkukuwento yan kapag medyo malaki-laki na,” dagdag ng aktres na siyang gumaganap na nanay nina Paulo at JM sa “Linlang.”

Pagsang-ayon naman ni Kim, “Actually wala ka matatago sa bata eh kasi nandyan lang naman sila sa gilid tsaka di mo alam kung ano tumatakbo sa utak nila.”

“Hopefully, in the future, maipaliwanag ko nang maayos sa anak ko ano nangyayari sa paligid (niya) para hindi rin siya matrauma in a way or hindi iba yung pagkakaintindi niya sa nangyayari sa magulang niya,” sey ni Kim.

At bilang tatay naman (sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki), talagang nag-effort din siya na umiwas sa mga mali at negatibong bagay na nakita niya sa kanyang mga magulang habang lumalaki at nagkakaisip.

“You always try not to take negative things or the negative side na nakikita mo sa parents mo pero unconsciously while growing up parang nagagawa mo in a way.

“So what I really try doing is really focusing on myself and looking with it. Parang ang hirap mag-ayos ng iba kapag di mo pa naayos yung sarili mo or alam mong di ayos yung sarili ko,” paliwanag ng Kapamilya actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Linlang” tuwing 8:45 p.m. after “Batang Quiapo” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending