ILANG buwan matapos ipalabas ang animated film na “Trolls Band Together,” mukhang nagbabalik sa limelight ng pagiging solo singer ng multi-award-winning artist na si Justin Timberlake.
Kamakailan lang, nag-release siya ng bagong kanta na may titulong “Selfish.”
May accompanying video pa nga ‘yan na ibinandera sa YouTube na as of this writing ay isang araw pa lang uploaded sa kanyang account at umaani na ng halos 2 million views.
Baka Bet Mo: Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noong dyowa si Justin Timberlake
Ayon sa Sony Music Entertainment, ito ang patikim ni Justin para sa upcoming album niya na pinamagatang “Everything I Thought It Was” na nakatakdang ilabas sa darating na March 15.
‘Yan ang kauna-unahang album ng international singer makalipas ang limang taon.
Ang huling solo release niya ay ang “Man of the Woods” na inilabas noon pang 2018 na nakuha ang top spot sa Billboard 200 ng first week sales nito.
Ang bagong kanta ay isinulat at prinoduce mismo ni Justin kasama ang American record producer na si Louis Bell at ang Canadian record producer and songwriter na si Cirkut.
Para sa kaalaman ng marami si Louise ay may collaboration na kasama ang ilang bigating pop star kabilang na sina Taylor Swift at Post Malone, habang si Cirkut ay nakapag-work na with Maroon 5 at The Weeknd.
Ang music video ni Justin para sa “Selfish” ay mula sa direksyon ni Bradley J. Calder na kung saan ipinapakita ang portrayal ni Justin na isang artist at bilang isang tao.
“The video brings the introspection of the song to life by pulling back the curtain on the production process and blending the line between performance and reality. It’s a raw and honest portrayal of Justin as an artist and person,” sey sa press release ng music label.
Maliban sa pagiging sikat na singer, ang huling proyekto niya ay ang “Trolls Band Together” kung saan siya’y naging voice actor at executive music producer nito.
14 tracks ang isinulat ng multi-award-winning artist para sa nasabing animated movie na ipinalabas noong Oktubre ng nakaraang taon.