DINENAY ng Department of Justice (DOJ) ang mga kumakalat na balitang may hold departure order ang dating ex-glam team ni Heart Evangelista.
Naging laman ng balita ang dating glam team ni Heart matapos hindi matuloy ang kanilang paglipad sa Dubai para kitain sina Pia Wurtzbach at Mark Bumgarner dahil sa umano’y hold departure order ng mga ito.
Sa report ng GMA News, nagbigay pahayag si DOJ Spokesperson Mico Clavano at dinenay ang mga alegasyon pati na rin ang umano’y lookout bulletin order ng dalawa.
“It was found that there was no derogatory record. Wala naman po siyang HDO. Wala din siyang international lookout bulletin order.
“‘Yung airline mismo ang nag-offload doon sa mga pasahero na ‘yun and they were advised to actually report [to] the UAE (United Arab Emirates) Embassy,” paliwanag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano.
Aniya, wala namang problema ang mga ito sa side ng Pilipinas.
“On the side of the Philippines, wala naman tayong problema… it was on the side of the Dubai airport and Dubai authorities na nagka-problema,” pagpapatuloy ni DOJ Spokesperson Clavano.
Baka Bet Mo: Glam team ni Pia hindi pinasakay sa eroplano, may kinalaman kaya si Heart?
Unang lumabas ang chikang hindi natuloy ang sana’y paglipad ng naturang glam team ni Pia sa “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz.
“Diumano ang akala ng members ng glam team ay na-bump off talaga sila. Ang tsika sa amin na sana ay hindi ito totoo ay ipinatawag sila sa Immigration area para ito ang magsabi na sila ay may hold departure order.
“Na-shock na lang daw ang buong glam team sa kanilang narinig kaya ‘yung aming source na isang airport personnel ay nagtanong sa akin kung may koneksyon daw kaya ang hold departure order sa isyu ng glam team kay Heart Evangelista?” tanong ni Ogie.
Matatandaang last year lang nang maiulat ang patungkol sa hindi pagkakaunawaan ni Heart sa dating glam team na nauwi sa paghihiwalay nila ng landas.