ININTRIGA ng maraming netizens ang recent social media post ng fashion icon na si Heart Evangelista.
Ang tanong nila, sino kaya ang pinapatamaan niya rito?
Sa Instagram kasi, may cryptic post si Heart na tungkol sa “enemy” o kaaway.
Ibinandera niya ang book cover na may pamagat na “Don’t Give the Enemy a Seat at Your Table” by American pastor Louie Giglio.
Ang caption niya riyan, “Not today” kalakip ang isang no-entry emoji.
Baka Bet Mo: Sey ni Lolit Solis kina Heart at Rhian: Napakaganda na nila para gumamit pa ng glam team
Sa comment section, maraming fans ang pumuri sa kanya dahil tila natuto na siyang lumaban.
Ika nga ng iba, “palaban era” ngayong 2024 si Heart.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“I love this version of you…you finally learn how to set boundaries! You were too kind that’s why they abused you..I know the feeling because I’ve been there..no revenge,no hate! Keep the light in your heart…time will tell the truth and life will teach the lesson [red heart emojis].”
“Tama iyan! Hindi porket marunong lumaban ay masama na. Dapat ang mabubuting tao gaya mo marunong din talaga lumaban..It’s your right to fight!”
“Shots fired but make it class!!! [fire emoji] HEART IN HER PALABAN ERA [fire emojis]”
Samantala, may iilan din na tila kinonek ang cryptic post sa dating makeup artists ni Heart na sina Jeck Aguilar at Justin Louise Soriano na hindi pinasakay ng eroplano.
Papuntang Dubai sana ang dalawa para i-meet ang kilalang fashion designer na sina Mark Bumgarner at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Heto ang mga komento na nakita namin:
“Paano makaka-seat, eh di nga nakasakay ng eroplano. Hahahaha. Go go heart!!!”
“From business class to mile points laughing emojis].”
“Sa seat lang daw ng immigration pwede.”
Matatandaang nagkaroon ng falling out si Heart at ang glam team niya dahil sa chikang pangit daw na ugali at hindi magandang pagtrato ng fashion icon sa grupo.
Bukod dito ay nabalita ring ginamit at sinagad ang credit card limit ni Heart ng kanyang make-up artist na si Justin Luis at hairstylist na si Jake Aguilar para sa personal nilang pangangailangan.
As of this writing, wala pa ring malinaw na dahilan sa mga nangyaring isyu at kontrobersiya.
Bukas naman ang BANDERA sa dalawang panig sakaling may gusto silang linawin sa mga nangyari.