PROUD na ipinakita ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram story.
Sa kanyang Instagram story ay ibinandera nito ang larawan nila ng kaibigang si Helena kung saan kapansin-pansin na ang lumalaking umbok sa kanyang tiyan.
Agad namang kumalat sa social media ang larawan ni Dominique na umani naman ng mga papuri sa mga netizens.
Mapapansin kasi na fresh na fresh ang unica hija ni La Greta at parang nae-enjoy pa nito ang pagbubuntis.
Baka Bet Mo: True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco?
“Iba talaga awrahan netong si Dominique. Ang sosyal niya tingnan kahit nakalong dress at flats lang siya,” saad ng netizen.
Comment naman ng isa, “Classy talaga. Hindi kailangan nakahubad or bikini para ipakita ang tyan.”
“I like [Dominique]. Those other kids of celebrities na halos hubo sa IG nila are nowhere close to how pretty and classy she is,” sey naman ng isa.
Matatandaang una niyang inanunsyo sa publiko ang kanyang pagdadalangtao noong November 2023, ilang buwan matapos silang ikasal ng kanyang asawang si Michael Hearn.
Matatandaang March 2023 nang ikasal ang dalawa. Naganap ang kanilang church wedding sa San Agustin Church sa Manila na dinaluhan ng mga kilala at bigating personalidad.