NAGLABAS ng abiso ang Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa North Edsa Carousel Busway Stride Project.
Sinimulan na kasi ngayong araw, January 26, ang operasyon nito na magtatagal ng 180 na araw o anim na buwan.
Apektado riyan ang footbridge na nagdudugtong sa Cyber West at SM North EDSA sa Quezon City.
Ibig sabihin, ito ay nakatakdang gibain kaya hindi na ito pwedeng madaan ng mga tao.
“We wish to inform the public of the termination of access to the footbridge crossing West Avenue/Paramount, as the demolition of the existing footbridge is set to begin on 26 January 2024 (Friday),” anunsyo ng DOTr sa isang Facebook post.
Baka Bet Mo: Lalaki nagwala sa EDSA Busway Station sa Pasay; napaiyak, nagsumbong…niloko raw ng dyowa
Dahil diyan ay pinayuhan nila ang publiko na dumaan na muna sa footbridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang alternatibo.
“As an alternative, you may use the existing MMDA pedestrian footbridge connected to the Skygarden (near Starbucks),” sey ng ahenysa.
Ang post na ‘yan ay shinare din mismo ng official page ng Barangay Sto. Cristo District 1, Quezon City sa FB.
Ayon sa kanila, asahan ang pagbabago sa ruta ng trapiko dahil magkakaroon din ng pagsasara ng lane.
“Expect traffic rerouting on some days should be there lane closures. The completion on this project will provide better service and convenience to all,” wika sa caption.
Para sa kaalaman ng marami, ang nabanggit na proyekto ay isang karagdagang Busway Station kung saan magkakaroon na ng iba’t-ibang access katulad ng elevators at escalators.