KAABANG-ABANG ang dalawang bigating celebrities na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso star Julie Anne San Jose.
Magkakaroon kasi sila ng surprise performance sa Bonifacio High Street Activity Center sa darating na January 27.
Para ito sa inilunsad na bagong gimik ng sikat na beverage company na Coca-Cola Philippines –ang #CokeZeroExcuses Promo.
Noong nakaraang linggo lamang nang sinimulan ng kumpanya ang nasabing event kung saan hinarana nina Kyle Echarri at Darren Espanto ang kanilang fans.
Maliban sa nakakakilig nilang performances, ibinunyag ng dalawa ang ilan sa manifestations nila ngayong taon.
Ang wish ni Kyle, maging mabuti ang taon na ito sa kanya at makapag-release ng maraming kanta.
Baka Bet Mo: David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…
“To have a good year this year and more music,” sey niya.
Para naman kay Darren, “Zero Excuses to have a more positive mindset.”
Ang goal ng #CokeZeroExcuses Promo ay para hikayatin ang mga Pilipino na huwag lang mangarap kundi aksyunan din kung ano ‘yung mga nais tuparin para sa 2024.
“It’s your chance to stop dreaming and to start doing by showing the world—and yourself—that you’re capable of speaking for yourself and making your dreams come true,” saad sa inilabas na pahayag.
Sa mga interesadong sumali sa promo at manalo ng mga papremyo, bisitahin lang ang website ng Coca-Cola Philippines.
Ang #CokeZeroExcuses Promo ay magtatagal ng hanggang March 24.