Xian Gaza may tip para umasenso: ‘Mang-estafa ka!’

Xian Gaza may tip para umasenso: 'Mang-estafa ka!'

Xian Gaza

ISANG “advice” ang ibinahagi ng social media personality na si Xian Gaza para sa mga taong nais umasenso sa buhay ngayong 2024.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, January 24, nagbigay siya ng mensahe para sa mga taong lumalaban nang patas sa buhay.

“Ilang taon ka ng lumalaban ng patas pero wala pa ring nangyayari sa buhay mo hanggang ngayon. Palagi ka na lang inaapi ng mundo at inaapakan ng lahat,” panimula ni Xian sa kanyang post.

“Try mong mang-estafa ngayong 2024, baka sakaling umasenso ka na sa buhay. Kapag mayaman ka na at successful, then doon ka magbagong-buhay dahil ang Diyos ay mapagpatawad at paniguradong tatanggapin ka Niya pabalik sa Kanyang kaharian,” pabirong pagpapatuloy ni Xian.

Ngunit may mas maayos naman siyang paliwanag sa kung ano nga ba ang nais niyang ipakahulugan.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa viral ‘500k TF’ post ng writer-direktor: ‘Ikaw nalang pumarada!’

Chika ni Xian, “If you always do, what you always done, you will always get what you always got. But if you will do what you never done, you will get what you never got.”

Ibig sabihin, kung palagi mong ginagawa ang mga bagay na paulit-ulit rin ang ibinibigay na resulta sa ‘yo, kinakailangan mong sumugal at gawin ang mga bagay na hindi mo pa nasusubukan para magkaroon ng iba pang outcome.

“Change your ways. Huwag kang lumaban ng patas. Mang-estafa ka,” dagdag pa ni Xian.

Matatandaang nakilala ang social media personality matapos itong masangkot sa P2.6 million investment scam noong 2018.

Mula noon ay hindi na nawala ang branding ni Xian bilang “scammer” pero mas nakilala rin siya lately sa mga “tsaa”, “blind items”, at maiinit na hot takes nito hinggil sa mga pasabog na chika sa mundo ng showbiz.

Read more...