Alfred Vargas may pa-face reveal ng 4th baby: ‘Our little bundle of joy!’

Alfred Vargas may pa-face reveal ng 4th baby: 'Our little bundle of joy!'

PHOTO: Instagram/@alfredvargasofficial

FOR the first time, nagkaroon ng pa-face reveal ang fourth baby ng actor-politician na si Alfred Vargas at misis niyang si Yasmine Espiritu.

Sa Instagram, ibinandera ng mag-asawa ang cute na cute na portrait photo ng kanilang anak habang nakabalot sa isang tela at may suot na flower crown.

Ang ibinigay na pangalan sa sanggol ay Aurora Sofia.

Caption sa IG post, “To our dear family and friends, with much love, gratitude and happiness, we proudly introduce the newest member of our family, our little bundle of joy, AURORA SOFIA E. VARGAS [pink flower, heart emojis].”

“We love you so much Aurora [pink flower emoji],” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Wife ni Alfred buwis-buhay ang pagbubuntis, pero kineri ang normal delivery

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng suporta at “congratulatory” messages sa mag-asawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Congrats po, ang ganda ganda talaga ng mga babies niyo [red heart emojis].”

“Worth it lahat ng hirap mo during pregnancy mam Yasmine, So pretty ni Baby Aurora [red heart emoji].”

“Ito talaga inaabangan q kasi excited na aqng makita c baby [happy face with heart eyes emojis].”

“Awwwww I’m melting, there is liltle angel here [red heart emoji].”

Kung maaalala, noong December 26 nang manganak si Yasmine at kasabay niyan ay ibinunyag nila ang ibinigay na pangalan ng bagong miyembro ng pamilya.

Naisulat na rin namin sa mga naunang artikulo na sa pagkakaalam namin ay halos isang buwan ding nanatili si Yasmine sa ospital dahil medyo delikado ang kanyang pagbubuntis.

Ito rin ang dahilan kung bakit halos araw-araw ding nasa ospital si Alfred.

May tatlo pang anak ang mag-asawa na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, at Alfredo Cristiano.

Read more...