Ruby Ruiz nakasama si Nicole Kidman sa premiere night ng ‘Expats’ sa US

Ruby Ruiz nakasama si Nicole Kidman sa premiere night ng 'Expats' sa US

Ruby Ruiz at Nicole Kidman

RAMDAM na ramdam ang Pinoy pride para sa isa sa mga bida ng Kapamilya seryeng “Linlang” na si Ruby Ruiz.

Bidang-bida rin kasi si Ruby sa pinag-uusapang Amazon Prime Video series na “Expats” kung saan kasama niya ang Hollywood superstar na si Nicole Kidman.

Parehong dumalo sina Ruby at Nicole sa star-studded premiere night ng “Expats” na ginanap sa New York City kamakailan.

“Oh, it was great! It was one of my best ano, yes, in my life. She’s a great actress,” ang sabi ni Ruby patungkol kay Nicole sa isang panayam.

“She’s very professional. All of them, not just her. Let’s not just focus on her. But they’re all very professional. Sa haba ng karanasan ko na rin na iba-ibang character roles dito sa atin.

Baka Bet Mo: Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?

“Nakatrabaho ko na ang the masters. Nora Aunor, Vilma Santos, Amy Austria, Hilda Koronel, you know. Wala pa akong nakatrabaho na katulad ng Nicole Kidman. Hindi sa minamaliit ko tayo. Ano tayo, kaya nating lumaban. Kaya nating itapat si Ate Guy, si Ate Vi, you know.


“Ano lang, hindi mo mahahalata. E, di ba, nagtuturo rin ako ng acting. Tapos, nakita ko, my God! This is, ito ‘yung gusto kong ma-achieve!

“Ito ‘yung ina-aspire ng halos lahat ng artista na parang seamless from the truth, na totoong buhay, ‘yung ganu’n. Parang wala, it’s just like breathing. That’s how I would describe her acting,” aniya pa.

Tinawag naman ng netizens na “pang-international” ang galing ni Ruby bilang aktres dahil bukod sa role niya bilang nanny sa “Expats,” puring-puri rin siya bilang mapagmahal na si Lola Pilar sa global hit series na “Linlang” ng ABS-CBN.

Samantala, usap-usapan ang pilot episode ng “Linlang: The Teleserye Version” noong Lunes, January 22, matapos itong makakuha ng iba’t ibang trending topics sa social media at magtala ng 367,069 live concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Baka Bet Mo: Ruby Rodriguez sa US na magtatrabaho; bakit nga kaya nawala sa Eat Bulaga?

Ikinatuwa ng netizens ang napanood nilang never-before-seen scenes at inaabangan na rin nila ang mas nakakagigil na mga rebelasyon tampok ang mga karakter nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM De Guzman.

“Tama nga na mas maiintndhan ung teleserye version. kung ano mga pinaghuhugutan nila. Goodboy naman pala tong si Alex e. To palang si Victor basag ulo e malakas amats! @mepauloavelino pero pogi pa dn! Si amelia lang talaga ang nakakagigil! #LinlangPasabog,” post ni @juana78902023 sa X (dating Twitter).

“Lakas ng trip niyo ngayon gabi #LinlangPasabog. Juliana at Victor Kung gaano kayo katamis ganon din kayo ka mapanakit. Sobra nyo pinaglaruan damdamin ko ngayong gabi. Congratulations, Team Linlang!” sabi ni @Mahalo29376895.

Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” gabi-gabi, 8:45 p.m. pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Read more...