Gelli de Belen, Candy Pangilinan hanga kay Kathryn Bernardo: She’s a good girl

Gelli de Belen, Candy Pngilinan hanga kay Kathryn Bernardo: She's a good girl

ANG magkapatid na sina Janice at Gelli de Belen kasama si Candy Pangilinan ang special guests ni Luis Manzano sa vlog niyang “Luis Listens” na uploaded sa YouTube channel.

Isa sa napag-usapan ay tungkol sa mga kabataang artista ngayon.

Tanong ni Luis, “Kayong tatlo (bilang) icons of course kasama si Ate Mina (Carmina Villaroel) in the industry na we all know everything about the industry.  Sa mga new batch sa mga bagets sino ang inaabangan n’yo at feeling n’yo puwedeng already a superstar, kanino kayo humahanga sa mga bagong artista.

Mabilis na sagot ni Candy, “Kathryn (Bernardo) mahusay siyang artista.”

Susog ni Gelli, “Yes.  Saka she’s a good girl.”

Nagkatawanan sina Janice at Candy at sabay sabi kay Gelli, “A very good girl.”

Diin pa niya, “but she is really a good girl.  She’s well rounded, she’s really a good girl.”

Baka Bet Mo: Gelli de Belen pinagsabihan si Janice sa mga red flags ni John noon

 

Obserbasyon naman ni Janice kay Kath ay, “she seems tough!”

Dagdag ni Gelli, “she’s brave.  Si Kathryn, one of the nicest I met in the industry for her stature na ha considering.  Si Kath I love her!”

With all the qualities na binanggit ng tatlong magkakaibigan kay Kathryn ay ibang pangalan naman ang binanggit ni Janice kung sino ang hinahangaan niyang bagong artista na puwedeng maging lumaki o malaki na ang pangalan.

“Lalayo pa ba ako, e, di ‘yung anak ko na lang si Kaila (Estrada).”

Duetong sabi nina Gelli at Candy, “oo nga naman.”

Si Kaila ay gumagawa ng pangalan sa showbiz dahil sa husay niyang umarte at mas lalo siyang napansin sa drama series na Linlang kasama sina Kim Chiu, JM de Guzman at Paulo Avelino na umeere na ngayon ang teleserye bersyon sa Kapamilya channel

Baka Bet Mo: Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

Sabi nga ni Luis, “grabe nga si Kaila ngayon, huh?  She was talked of the town!  Ang galing din niya.”

“I know,” kaswal na sagot ng proud mom ng dalaga. Sabi pa, ‘you know, I’m waiting to see what she can still become.”

“How was it kung puwede mong i-share? Of course I don’t want you to speak on her behalf naman pero nu’ng sobrang napansin ‘yung acting niya nakuwento ba niya sa ‘yo or ikaw ba nag bring up o inaantay mong siya ang mag bring up,” tanong ni Luis sa nanay ni Kaila.

“Ako kasi nalalaman ko because of the reactions sa Twitter.  Minsan may magte-text sa ‘yo na, ‘huy si ganito, so nakikita mo (feedback).

“Ako siya ‘yung inaabangan ko on how she will absorb all of these kasi si Kaila medyo may pagka- over thinker ‘yun.  As in ini-stress niya ang sarili niya, ‘yung ‘baka hindi ganito o baka hindi ganyan (sabi raw ng anak). Napapagod din ako sa kanya, nai-stress din ako sa kanya (natawa),

“So, lagi kong sinasabi sa kanya (Kaila) na ‘when you hear these things, be thankful at bawasan mon a ‘yung stress mo.  You’re slowly proving yourself.  I know it’s a long way ahead buy you’re slowly proving yourself and white this is happening bawasan mon a ‘yung pagka-over thinker mo kasi hindi makakatulong.  It will keep stressing you more if you keep on over thinking,” payo ni Janice sa anak nila ni John Estrada.

Read more...