Antonette Gail nag-sexy dance sa birthday ng anak, binatikos ng netizens

Antonette Gail nag-sexy dance sa birthday ng anak, binatikos ng netizens

MARAMI ang napataas ang kilay matapos mapanood ang ginawang sexy dance ng social media personality na si Antonette Gail.

Kamakailan ay nag-celebrate ang kanilang anak ng partner na si Whamos Cruz na si Baby Meteor ng ika-first birthday na talaga namang pinaghandaan nila nang sobrang bongga.

Bukod pa rito ay punung-puno rin ng mga content creators ang birthday party ng anak nina Whamos at Antonette dahil present sa event ang kanilang mga kaibigan na kapwa vloggers.

Pero sa kabila ng mga papuri dahil sa engrandeng “first trip around the sun” ni Meteor ay ang mga batikos sa kanyang ina matapos itong magkaroon ng sexy dance performance sa kanyang birthday party.

Ibinandera kasi ni Antonette ang kanyang matagal nang pinaghandaan na “Water” dance cover na siyang sinayaw niya sa harap ni Whamos pati na rin sa harap ng kanilang mga bisita.

Ibinahagi nga ni Awit Gamer na kapatid ni Whamos ang video clip ng pagsasayaw niya sa social media.

Baka Bet Mo: Antonette Gail sa mga nangba-bash sa pagpapagawa niya ng ilong: Katawan ko to, ako ang may control dito

Sa halip na matuwa ay tila naasiwa ang ilang netizens dahil nabahiran raw ng “kalaswaan” ang sana’y wholesome na birthday party ng kanilang anak.

“Akala ko si Antonette may Birthday,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Children’s party ganyan ang sayaw?”

“Napakalaswa mu antonette,” hirit naman ng isa.

May ilan pa nga na ikinumpara ang celebration nila sa naging birthday party ng anak ng sikat ring social media personality na si Zeinab Harake.

“Antonette Gail hahaha bt gnun prang d nmn pambata ung presentation hehe.
C zei[nab] nung nag bday anak nya disney ang presentation nya hehe. Sana natuwa c meteor s sayaw nyo po,” sey ng isang netizen.

Samantala, mukha namang wala siyang pakialam kahit na anopang pambabatikos ang ibinabato sa kanya ng madlang pipol.

Chika ni Antonette, “FIRST TIME KO YAN HAHA WALA PO AKO PAKEALAM SA SASABIHIN NIYO PRESENTATION KO YAN PARA SA ASAWA KO AT ANAK KO.”

Bukod pa rito ay ipinost pa niya ang video ng kanyang mga practice kasama ang kanyang choreographer bilang paghahanda sa performance sa birthday ng anak.

Read more...