#LOL: Kwelang ‘memes’ ng viral photo ng PCSO nagsulputan sa socmed

#LOL: Kwelang ‘memes’ ng viral photo ng PCSO nagsulputan sa socmed

PHOTOS: Screengrab from Facebook, X

HOT topic pa rin sa social media ang viral picture ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ‘yung ibinandera nilang litrato ng isang lotto winner na tinanggap ang kanyang premyo na P43,882,361.60 para sa Lotto 6/42 na na-draw noong December 28 ng nakaraang taon.

Maraming nag-congratulate sa winning bettor, pero may mga nakapansin nga sa kakaibang itsura niya sa litrato. 

Feeling kasi nila, “edited” ang photo.

Humingi naman ng sorry si PCSO General Manager Melquiades Robles dahil sa naging isyu at ipinaliwanag sa isang Senate inquiry na kaya nila inedit ang picture ay para itago ang tunay na identity nito.

Baka Bet Mo: Cancer survivor naka-’jackpot’ sa Lotto, nag-uwi ng P50-M: Ako na ‘yata ang pinaka swerteng tao sa mundo!

Maliban sa iba’t-ibang komento mula sa netizen, nagsulputan din ang mga nakakatawang “memes” kung saan ay inedit din nila ang nasabing viral photo.

Heto ang ilan sa mga nakita namin sa social media na humakot din ng react likes:

Read more...