Angel Locsin wala pa ring balak bumalik sa showbiz, ayon kay Ogie Diaz

Angel Locsin wala pa ring balak bumalik sa showbiz, ayon kay Ogie Diaz

PHOTO: Facebook/Angel Locsin

MAY update ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa batikang aktres na si Angel Locsin.

Ayon kasi sa kanyang latest YouTube vlog na “Showbiz Update,” maraming fans na ang naghahanap kay Angel.

May iilan pa nga raw ang nagtatanong kung sila pa rin ng kanyang mister na si Neil Arce.

Ang sagot diyan ni Ogie, “Sila pa rin po.” 

Biro pa niya, “Gusto niyo ba silang maghiwalay? Gawan niyo ng paraan.”

Update pa ng talent manager, “Happy naman daw si Angel na talagang wala muna siyang socmed. And si Angel, nililibang ang sarili.”

Baka Bet Mo: Angel Locsin tuloy ang pag-iwas sa socmed, ine-enjoy ang pribadong buhay; wala na nga bang balak bumalik sa showbiz?

“Kumbaga, binibigyan niya ng panahon ang sarili niya –nagge-games siya sa phone. Siguro games na ganyan ganyan sa TV,” paliwanag niya.

Ani pa niya, “So ‘yun ang mga pinagkakaabalahan ni Angel, mga online games. ‘Yun ang importante, happy.”

Ibinunyag din ni Ogie na wala pang balak na magkaroon ng showbiz comeback si Angel.

Nabanggit din ng vlogger na deserve din ng batikang aktres ang magpahinga dahil noong nagtatrabaho pa ito bilang artista ay talagang tuhog kung tuhog ang mga proyekto nito.

“‘Yung pagbabalik-showbiz, baka for now hindi muna,” pagsiwalat ni Ogie.

Patuloy niya, “Basta nag-eenjoy si Angel at hinahayaan ‘yan ni Neil. Binibigay sa kanya ni Neil ‘yung ikaliligaya niya kasi naman jusko ‘diba ‘nung nag-aartista si Angel, hataw naman talaga si Angel.”

Mensahe niya sa kanyang latest vlog, “Anyway, sana all kaya ang walang telepono.”

Magugunita na mahigit isang taon na mula nang nakita sa publiko si Angel noong 2022.

As of this writing ay naka-private ang Instagram account ng aktres.

Matatandaang noong 2021 ikinasal sina Angel at Neil matapos ang halos tatlong taong magkarelasyon.

Read more...