Baron Geisler proud sa 1st investment sa showbiz: ‘Dapat mapunta talaga sa tama’

Baron Geisler proud sa 1st investment sa showbiz: 'Dapat mapunta talaga sa tama'

PHOTO: Screengrab from Instagram/@baron.geisler

NGAYON pa lang nag-uumpisang mag-invest ang batikang aktor na si Baron Geisler sa kabila ng mahabang panahon niya sa showbiz industry.

Ito ang ibinunyag mismo ni Baron matapos makapanayam ng PopLife.ph kamakailan lang.

Proud pa ngang chinika ng aktor na ang first-ever investment niya ay ang ipinapatayong bahay sa Cebu na para sa kanyang pamilya.

“I’m so blessed na niregaluhan ako ni God ng bagong bahay sa Cebu. It’s 85% done,” masayang pagbabahagi ni Baron.

Sey niya, “I’m just so blessed and grateful na ito ’yung first sa pagkahaba-haba at pagkatanda-tanda ko sa showbiz, ito ’yung first investment ko po.”

Ayon sa batikang aktor, ito ang naisip niya dahil alam niya na pwede itong ipamana sa kanyang anak na si Thalita Cumi.

Baka Bet Mo: Baron Geisler kuntento na sa buhay, masaya sa Cebu kasama ang pamilya: That’s where God transformed me…

“So ‘nung dumating sakin ‘yung pera na ‘yun, lahat inilaan ko talaga sa bahay para sure ball na may investment kami na pwede kong ibigay kay Thalita kapag nawala na kami,” paliwanag ni Baron.

Nabanggit din ng aktor ang mga susunod na nais niyang pamuhunaman at isa na riyan ang magkaroon ng sariling rantso sa Mindanao, pati na rin ang magpagawa ng apartment na pwedeng magsilbing negosyo.

“‘Yung wife ko naman meron din siya sa Mindanao…so we’re thinking of building a ranch. Kasi mahilig ako sa kabayo,” sambit ni Baron.

Dagdag pa niya, “So eventually, I’ll be investing on para magpagawa ng apartment, mga ganyan.”

Iginiit niya na talagang nagbagong buhay na siya at ang future na ng kanyang asawa at anak ang kanyang iniisip ngayon. 

“Hindi na ‘yung mga, ‘I want a motorcycle.’ I want to play it smart na kasi ako nagtatrabaho ako, hindi puro sa akin. It’s for my family, it’s for the future of Thalita,” kwento niya.

Patuloy pa niya, “Kasi blood, sweat and tears talaga [ang trabaho]. So dapat mapunta talaga sa tama. Hindi katulad noon na may P1 million ako, bibilhin ko ‘yan ng cocaine na worth P1 million. Ganyan ko itapon [noon] ang pera.”

“Everything na-realize ko – you know, scars, wounds, mga taong nakakaaway, only time heals and it takes time to recover completely,” saad pa niya.

Aniya pa, “It’s a lifetime process. So I really believe and pray na sana bigyan pa ako ng blessings ni God this year.”

Read more...