Claudine Barretto todo paliwanag sa kanyang ‘saggy arms’: ‘I lost 84 pounds!’

Claudine Barretto todo paliwanag sa kanyang ‘saggy arms’: 'I lost 84 pounds!'

PHOTO: Instagram/@claubarretto

MAKIKITA sa latest Instagram post ng batikang aktres na si Claudine Barretto na tila todo explain siya sa kanyang “saggy arms.”

‘Yan ay matapos mapansin ng maraming netizens sa kanyang previous post at inintriga kung bakit daw naging ganun ang braso ng aktres.

Heto ang ilan sa mga naging reaksyon na aming nabasa:

“Bakit ganun ‘yung arms niya? napansin ko lang [peace sign emojis]”

“Payat mo na pero ‘yung braso may taba naka lawlaw.”

“Her arms are so botched!!!!”

Baka Bet Mo: Claudine Barretto may pa-’blind item’, naghahanda sa ‘giyera’: The witch hunt begins…Lalaban na ‘ko!

Pero tila hindi na nakatiis si Claudine kaya naman ibinandera niya ang kwento sa likod ng kanyang excess fats sa braso.

Ayon sa kanya, malaki ang ipinayat niya kaya natural lang na may maiiwang taba sa ilang bahagi ng katawan.

Ang tanging solusyon, aniya, para pumantay ito sa pagpayat niya ay ang mag-undergo sa liposuction na plano pa lang niya gawin.

“Just wanted to remind everyone that I LOST 84 POUNDS. ‘Di po ako nagpa-lipo,” sey niya sa post.

Paliwanag pa niya, “Kailangan ko nga magpa-LIPO or ipatanggal ‘yung excess skin [because] impossible mag-lose ng 84 pounds na walang excess skin.”

“Pinaghirapan ko po talaga magpapayat. Sana klaro po sa inyong lahat na kailangang ipa-lipo at ipatanggal ‘yung excess skin. Thank God arms ko lang,” dagdag pa niya.

Sa comment section, bumuhos ang suporta sa natikang aktres at marami sa kanila ang nagsasabi na hindi na kailangang magpaliwanag ni Claudine.

Heto ang mga naging sentimyento ng ilang fans:

“Whether you lost weight thru lipo or exercise or healthy foods, it’s none of other people’s business. Let them stay bothered. Celebrate YOU and your progress! [emojis]”

“This is just sad that she had to explain herself. You don’t have to. Women should lift each other up not down.”

“You don’t have to explain yourself to anyone because no matter what you do, people will always have ‘hanash’ and never be satisfied. You do you! [red heart emoji] great progress!”

“Always rooting for you! And so proud of you as well, sobrang kita yung hardwork mo to lose weight [heart emoji] Beautiful as always!”

Read more...