Mariel Rodriguez may pa-tribute sa namayapang ina, netizens relate na relate

Mariel Rodriguez may pa-tribute sa namayapang ina, netizens relate na relate

PHOTO: Instagram/@marieltpadilla

MARAMING netizens ang naging emosyonal sa latest social media post ng TV host at celebrity mom na si Mariel Rodriguez.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Mariel ang ilang masasayang memories ng kanyang namayapang ina na si April Ihata habang nakikipag-bonding at nakikipaglaro sa kanyang mga apo.

“No longer lost Mom [emojis],” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Mariel Rodriguez pangarap maging drama actress tulad ni Claudine Barretto: ‘Ang problema lang…ang pangit ko pong umiyak’

Marami naman ang na-touch at tila naka-relate sa kasalukuyang nararamdaman ngayon ni Mariel.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I know the feeling losing a mom, parang may kulang sa pagkatao mo…I really feel you [single tear emoji]”

“I feel you…kahit may sariling pamilya na ako, hinahanap ko pa rin ang Mama ko [crying emojis].”

“Nakaka-miss sobra talaga ang magulang.”

“Stay strong Mariel, your mom is watching over you!!! [red hearts, folded hands emojis]”

Kung matatandaan noong December 23 lamang nang ibinahagi ni Mariel sa publiko ang pagpanaw ng ina sa pamamagitan din ng IG.

Noong December 30, nagkaroon ng tagos sa pusong eulogy ang TV hostl para sa yumaong ina kung saan lubos niya itong pinasalamatan sa pagmamahal na ibinigay sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Thank you for loving my children, Isabella and Gabriela. Thank you, mom, for the love. Thank you for the sacrifices and understanding. You were never afraid to give. Thank you for everything,” sey sa bahagi ng speech ni Mariel.

Mas bumuhos pa ang luha ng TV host sa huling bahagi ng kanyang mensahe sa ina, “I love you. And though I miss you, I am happy for you. Because I know everything you prayed for was answered. I look forward to the time I will reunite with you again.”

Read more...