UMIYAK nang umiyak ang Queen of All Media na si Kris Aquino nang matanggap ang resulta ng kanyang blood count test.
Muling nagbigay ng update ang TV host-actress tungkol sa kanyang health condition sa pamamagitan ng kanyang official Instagram account.
Ayon kay Kris, mula pa noong Thanksgiving ay mahinang-mahina na ang kanyang katawan kaya humingi siya ng paumanhin kung hindi siya nakabati sa kanyang mga tagasuporta noong Pasko at Bagong Taon.
Ibinalita ng TV host na meron na namang nagma-manifest na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan – ang lupus.
Bukod sa humina ang kanyang katawan, nabawasan din ang kanyang timbang kasabay ng kawalan ng gana sa pagkain. Pero sabi ni Kris, hindi pa rin siya susuko at itutuloy niya ang laban.
Baka Bet Mo: Joey de Leon umiyak habang nakikipag-usap sa advertiser ng ‘Eat Bulaga’: ‘Rejection is God’s redirection’
Sa kanyang IG, nag-post ng tatlong video kung saan mapapanood ang mga ginawang test at treatment para sa kanyang active rare autoimmune diseases.
“Explains and answers almost everything that has happened and is happening. 2024 please be kind,” ang caption ni Kris sa kanyang first video.
Kabilang sa mga sakit ni Kris ay ang Churg Strauss / EGPA at Crest Syndrome. Bukod dito, unti-unti na ring lumalabas sa kanya ang mga symptoms ng SLE, o ang systemic lupus erythematosus, ang sinasabing most common form ng lupus.
“I was reluctant to post my pics because I lost weight again… I knew I had to help myself, nobody else could eat for me, and slowly I started eating food again,” bahagi ng pahayag ni Kris.
“I cried nonstop when I got my blood panel results. My Churg Strauss/EGPA is still being treated, but to add to it my CREST SYNDROME is now in full ACTIVE mode,” aniya pa.
“It’s highly likely based on my ANA count (blood panel), my high inflammatory numbers, my anemia, my now constant elevated blood pressure at night, and the consistent appearance of ‘butterfly rash’ on my face that I’m at the initial stage of SLE, or what is commonly known as lupus,” paliwanag ng mommy nina Joshua at Bimby.
Ayon sa isang health website, ang SLE ay isang “autoimmune disease in which the immune system attacks its own tissues, causing widespread inflammation and tissue damage in the affected organs.”
Baka Bet Mo: Pokwang naiyak matapos maalala ang dasal ni Malia para sa ama: Napaka-unselfish ng bata, pero…
Pero sa kabila nga ng kanyang lumalalang kundisyon, kapit na kapit pa rin si Kris sa kanyang pananampalataya at paniniwala na gagaling siya.
“We have a merciful and loving God who hears our prayers. Our battle has become more complex but I promised my sons and sisters that I wouldn’t be a wimp.
“Bawal pa ring sumuko. Tuloy ang laban,” paniniguro ni Kris.
Bumuhos muli sa social media ang suporta at inspiring message para kay Kris at halos lahat ay nangakong ipagdarasal ang kanyang paggaling.
“Praying for/with you always, Ate,” ang post ni Erik Santos.
“Di ako mapapagod na ipagdasal ka araw araw (praying hands emoji),” sabi naman ng komedyanang si Pokwang.
Mensahe ni Darren kay Kris, “Love you, Tita! Get well soon!”
Sabi naman ni Darla, “Everything will get better this 2024. Let’s claim it!”
Kasalukuyan pa ring nasa California, USA si Kris kasama sina Josh at Bimby at base sa mga video na ibinahagi ng aktres sa IG, naroon pa rin ang ex-boyfriend niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste.