NAG-SORRY na si Vice Ganda sa nangyaring “brandagulan” sa pagitan nila ni Anne Curtis sa nakaraang episode ng “It’s Showtime.”
Binatikos ng mga netizens si Vice dahil sa viral “Nice Ganda” video kung saan nalagay daw sa alanganin at kompromiso ang isang endorsement ni Anne.
Pinaulit kasi ni Vice kay Anne ang mga salitang “Nice Ganda” sa live episode ng kanilang noontime show. Huli na nang ma-realize ng aktres at TV host na tagline pala yun ng ineendorsong fast food chain ni Vice na direktang kalaban ng endorsement ni Anne.
Sey ni Anne, “Ay! Bad ‘yun sa akin… Sorry po. Pasensya na po kayo, hindi ko sinasadya ‘yun. Ikaw, kapag nawalan ako ng kontrata.”
Baka Bet Mo: Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya
Kasunod nito ay inakusahan ng mga bashers si Vice ng kung anu-ano dahil nga inilagay niya sa alanganin ang project ni Anne at on national TV pa.
To the rescue naman si Anne kay Vice at sinabing ganoon daw talaga sila magbardagulan ni Vice kahit sa backstage. Nag-post siya sa X (dating Twitter) ng mensahe para sa lahat ng kanyang fans na galit na galit kay Vice.
“Morning everyone. Guys, kalma. No need for such negative energy. Vice and I are fine. It was a lapse of judgment on both sides.
“At least we can move forward and be keyrfuul. Ganyan ang biriun backstage but syempre dapat iba pag on air. Kaya kalma.
“It’s a beautiful day. Gawin na lang #BidaAngSaya every day!” ang buong post ni Anne.
Sumagot naman si Vice sa X post ng kaibigan, “Ang kj mo! Ok yan para trending! Chozzz!!! But yes it was lapse of judgement.
“It was our usual ‘brandagulan’ moment na late nya narealize so nasabi nya ung tagline ng di nya namalayan. I apologized to her And pinagtawanan n lng namin. Our sisterhood will always be Nice Ganda!” sey ni Vice.
Baka Bet Mo: Pang-iisnab ni Barbie Imperial kay Sharon Cuneta fake news: ‘I haven’t even seen you in person…’
Nireplayan din niya ang isang netizen na nagkomento ng, “I always thought Vice Ganda thinks before he says something. Hmmm.”
Tugon ni Vice, “No. At times i dont think enough. Sa kagustuhan kong magpatawa bira ako ng bira kaya minsan sablay.
“Sometimes i hate myself. Pero ganun talaga sa comedy man o sa real life talagang hit and miss. And we’ll just have to try again.
“I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry,” dagdag pang pahayag ni Vice Ganda.