Piolo Pascual bet na bet gumanap bilang si ‘Ferdinand Marcos Sr.’, pero…

Piolo Pascual bet na bet gumanap bilang si 'Ferdinand Marcos Sr.', pero…

PHOTO: Instagram/@piolo_pascual

MATAPOS ang tagumpay ng MMFF 2023 entry na “Mallari,” ibinunyag ng batikang aktor na si Piolo Pascual ang kanyang next dream role.

Sa isang interview with ABS-CBN News, sinabi ni Piolo na nais niyang gumanap bilang Ferdinand Marcos, Sr., ang yumaong dating pangulo ng bansa.

“I expressed my intention to do a Marcos biopic. Ferdinand Marcos, I mean the former president,” sey ng aktor matapos tanungin kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang future projects.

Paliwanag niya, “Because I grew up [during his presidency]. I was born in the ‘70s, but he was still the president back then up to the ‘80s.”

Nabanggit pa niya ang kanyang ina na si Amelia Nonato Pascual na dating nagtrabaho sa Malacañang, pero hindi na niya ito idinetalye.

Baka Bet Mo: Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Kwento niya, “My mom was working in Malacañang so he was a prominent figure in my childhood. That’s something interesting that I’d like to probably do in the right time, not right now. Definitely not right now.”

Hindi ito ang unang beses na inihayag ni Piolo ang kanyang interes na bumida bilang si dating Pangulong Marcos Sr.

Sa katunayan nga ay una niya itong binaggit sa kanyang panayam with CNN Philippines noong Oktubre ng nakaraang taon.

Nilinaw pa nga niya na hindi siya “pro-Marcos,” pero para sa kanya ay interesting person ang dating pangulo.

“He’s an interesting character. I’m not pro-Marcos but growing up, I grew up in the Marcos administration in the ’80s and I experienced it first hand,” sey niya sa dating panayam.

Isa sa memorable roles ni Piolo ay bilang si “Jules Bartolome Jr.” sa 2002 film na “Dekada ‘70.”

Ang istorya ng pelikula ay panahon ng martial law na kung saan ay nakulong si Jules, pero kalaunan ay pinalaya rin.

At dahil sa mahusay na pagganap ni Piolo sa nasabing pelikula ay nagwagi siya ng “Best Supporting Actor” sa MMFF 2002.

Read more...